37 Các câu trả lời
I asked my OB about it last Thurs. Pumayag naman si OB for me to get covid vaccine. Magpapass ko din daw yung anti bodies sa baby so pati si baby protected. (OB ko is the former head of OB dept in SLMC) I saw forums (sa US) madami na din nagpapainject na mga preggy. (via What to Expect app) so far sabi nila wala naman daw effect sa baby nung nagpaultrasound sila. Healthy and normal. May mga nababasa na din akong ibang preggy like Divine Lee (vlogger) she had her first dose the other day. Waiting for her vlog about it kasi sabi nya iddiscuss daw nya and why preggy Moms should get the vaccine. It’s really up to you. The benefits outweighs the risks.
hello mommy! mababasa mo din sa DOH website na pwede daw magpavaccine ang buntis pero 2nd trimester up na. Pero pag nagtanong ka sa OB lalo yung may malasakit na OB, di nila nirerecommend. Kasi wala pang nakakaalam kung ano nga ba ang magiging epekto sa bata growing up. Kasi nagdedevelop padin sila while nasa womb. Kahit ako gusto ko na din sana magpa covid19 vaccine kasi madaming discounts pag fully vaccinated na meron din kahit 1 dose ka palang. Pero wala pang nakakaalam ng epekto sa baby. Kaya mas maganda padin na after pregnancy na lang magpa vaccine. Pero ikaw padin ang magdedecide nyan, mommy.
As per my OB, wag muna daw while pregnant kasi there aren't enough studies daw talaga to give a definitive answer. Even now na nakapanganak na ko, wait daw muna ng 2 months para fully healed na ko tsaka ako magpabakuna. The only exception I read before was according to DOH, for frontliners, na after first trimester pwede na, and this is because masmataas ang chance na maexpose sila sa virus dahil sa trabaho nila.
Better to check it with your OB. they usually recommend to have the covid vaccine at 2nd or 3rd trimester. Having the vaccine at first trimester is not recommended. Good thing about vaccine, once you have it, you will pass the antibodies to your baby 😊
Sabi po ng OB ko, di pa daw recommended. Best daw ay kapag 37weeks onwards na para fully growned sa si baby at mas kaya labanan ang side effects. Flu vaccine lang din tinurok nya saken for now. Doble ingat na lang po tayo para di mahawaan ng covid19. Godbless all.
for me lang ha pagpaliban muna siguro since ngayon dina pinapaalam kung anong klaseng vaccine ang gagamitin saka muna lang malalaman kapag gagamitin na. in my opinion sa hindi nga po buntis may side effect depende sa katawan natin. how come if buntis pa diba
pinagbawalan din po ako ng OB ko 5mos preggy na po ako, advise naman po sakin after manganak at makarecover pwede na po. for now sundin muna naten yung sa ob para kay baby may mga ibibigay naman po ang ob naten na good for us.
nag pavaccine ka ba momsh?sabi ng OB q wag muna during 1st trimester.. sakin naman wag muna during pregnant kasi wala pang vaccine para sa 12 y/o and below so ganun din c baby sa loob ng tyan baka.di pa safe sa knila..
Ang alam ko po Pfizer lang ang may study/clinical trial na safe sa buntis. Other than that po, wala. So if Pfizer po ang ituturok sa inyo okay lang po siguro. Pero consult muna sa OB
Bawal po sa preggy sa pagkaka alam ko ako nga d pa ako nakakapag vaccine kasi baka mapano yung baby ko. No further studies pa ata daw for preggy moms kung pwd ba sila neto.