TeamJune

GoodMorning Mga Momshie .. ask ko lang normal po ba yang nasa ultra ko ??? Manonormal ba pagdeliver ko ?? kc may nkita ako sa FB about sa POSTERiOR .. tnx sa sasagot 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗣𝗥𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗧𝗥𝗔𝗦𝗢𝗨𝗡𝗗? 📍 𝙋𝙇𝘼𝘾𝙀𝙉𝙏𝘼 (Inunan) - Ito yung nagsisilbing blood flow ni baby, kadugtong ng pusod nya ito. 📍 𝘼𝙉𝙏𝙀𝙍𝙄𝙊𝙍 (Baby's best position during delivery) - Nasa harapan ng tyan mo ang inunan. Pwedeng hindi mo masyadong ma-feel ang pag galaw ni baby. 📍 𝙋𝙊𝙎𝙏𝙀𝙍𝙄𝙊𝙍 (When the baby is in posterior position, labour can be more longer, more painful and is more likely to end with CS delivery.) - Nasa likuran naman ang inunan kaya feel na feel mo palagi ang sipa o galaw ni baby. 📎 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘𝗡𝗧𝗔 Maturity ng inunan kung nag sisimula ng mahinog: 📍 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙀 1. Nagsisimula palang. 📍 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙀 2. Madalas pag nasa kalagitnaan na ng 2nd trimester hanggang sa gitna ng 3rd trimester. 📍 𝙂𝙍𝘼𝘿𝙀 3. Ready na si baby sa paglabas. 📎 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘𝗡𝗧𝗔 ✨ Safe si baby if ito ang location ng placenta, so wala ka sa high risk. 📍 High lying 📍 Posterior fundal 📍 Lateral ✨ Pag ito naman ang nakalagay, need mo ng monitoring. Ibig sabihin high risk ang pag bubuntis. 📍 Low lying 📍 Marginal 📍 Covering the internal OS 📍 Complete placenta previa 📌 𝙀𝙁𝙒 (Estimated Fetal Weight) - Kung ilan ang estimate na timbang ni baby sa tiyan. 📌 𝘼𝙈𝙉𝙄𝙊𝙏𝙄𝘾 𝙁𝙇𝙐𝙄𝘿 - Ito yung panubigan mo. ✨ Ito ang tamang panubigan: 📍 Normohydramnions 📍 Adequate 📍 Normal 📎 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗬 📍 𝘾𝙀𝙋𝙃𝘼𝙇𝙄𝘾 - Naka pwesto. Nauuna ang ulo. 📍 𝘽𝙍𝙀𝙀𝘾𝙃 - Nauuna ang paa. 📍 𝙁𝙍𝘼𝙉𝙆 𝘽𝙍𝙀𝙀𝘾𝙃 - Nauuna ang pwet. 📍 𝙏𝙍𝘼𝙉𝙎𝙑𝙀𝙍𝙎𝙀 𝙇𝙄𝙀 - Nauuna ang likod (Pahiga si baby) #Ctto ❤️

TeamJune
17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

35 weeks nako ngayon then posterior din yung placenta ko..nagworry ako kasi mas okay daw pag anterior.. I asked my friend na registered midwife,sabi nya okay lang daw yun as long as naka cephalic position si baby..iikot pa raw yung position ni baby pag nasa labor stage na..pray na lang tayo na di tayo pahirapan sa paglabas ng baby natin..

Đọc thêm
5y trước

yes momshie ganun din sbe ng kaibigan ko nung nagpacheck up sya ok lang daw na posterior basta ok ung placenta ,, at nka pwesto na si baby . yes dapat pray na lang tlga tayu na wag na sila umikot pa stay na lng sana sila sa pagkapwesto 🙏🏻🙏🏻

Pasensya na kung hindi ko masasagot yung tanong sa post, since ftm and natututo pa pang ako sa mga momsh dito. But I want to comment a thank you sa pagpost nito, super informative nung guides sa pag interpret ng utz 💕

Mommy 34 weeks ka na po pero Grade 1 po ang maturity ng placenta? Posterior ok lang po yan nasa likod yung inunan at si baby sa harap. Pag anterior po kasi yung inunan nasa harap tapos si baby bandang likod.

5y trước

Posterior po ako sa 1st baby ko. Naka cephalic din sya. Normal delivery naman po ako. Medyo matagal lang po naglabor. Pray lang mommy😊

Dapat momy nsa grade 2 or 3 na ang maturity ng placenta mo... Pero may ilang weeks pa momy papaulit uli yan ni ob para macheck uli.. just pray lang po. Keep safe po😊 congrats at baby boy😊

Thành viên VIP

Wala yan sa laki o liit ng tyan mommy, nakadepende po iyan sa progress ng labor at kung mag bubukas yung cervix. Kung gusto mo mag normal, maglakad lakad ka at squat then talk to your baby.

Pinapapa ultrasound kse ako ng doctor ko Ano pong ultrasound nayan nakalagay mga momchie salamat sa sasagot kse 33weeks nko at 2day kse pag naglalakad ako masakit ang prerta ko

Post reply image

hala grade 1 ka palang hirap niyan sis ,baka mahirapan ka maglabor Goodluck po sa panganganak.

Sakin po 32 weeks and 6days nagpa Ultrasound ako , Anterior placenta , High Lying Grade 2 po.

5y trước

Girl po

Tanungin mo po si ob momsh about sa grade 1 placenta mo kung okay lng.

Mommy dapat nasa Grade II-Grade III na ang placenta mo.