Goodmorning mga mamsh.. Gusto ko lang po sana makahingi ng advice, 6mos npo kong buntis, nakatira po ko sa biyenan ko ngayun. Hindi pa po kami kasal nung tatay ng pinagbubuntis ko, nung una po okay naman po yung kinakasama ko hanggang sa parang unti unting nagbago yung ugali nya. Ngayun po na buntis nako, pinagtataasan nya na po ko ng boses, pinapasama lagi yung loob ko, pinapaiyak nya ko. Dba po normal sa buntis yung medyo nagbabago yung ugali? Pero di nya po ko maintindihan ? natitiis nya na po ko ngayun. Pag may masakit akong nararamdaman, nagagalit, kesyo daw lagi kong binibeybi yung sakit ko. Lah. Di ko po sya maintindihan kaya kahit may masakit saken, di ko nalang po sinasabi sa kanya kase ppagalitan nya lang ako. Kung di lang po talaga mabait yung mga magulang nya saken, matagal na po sana ko umuwi samen kaso lang po nahihiya talaga ko kase mbait sila saken sya lang talaga problema ko.
Wag nyo po sana ko ibash. Salamat.
Anonymous