Good pm po. May G6PD kasi baby ko. Frisolac one yung gatas niya kaso nabasa ko sa ingredients may soy lecithin ung frisolac one. Kapag may G6PD po kasi bawal yung soya kay baby. Bale nag change milk po ako ng NAN OPTIPRO-HW. Kaso di ko po ito naipaalam sa pedia ng baby ko kasi nalimutan ko kunin yung number. Pero may nakausap kasi ako na daddy nung nasa mercury ako may g6pd din baby niya tapos siya nag suggest ng gatas na to kasi ganun din gatas ng baby niya. Binasa din sya ng mga pharmacists wala naman soya kaya binili ko na. Worried lang po ako kasi di ako nag consult sa pedia ng baby ko. Okay lang kaya itong milk na to? Salamat po. :( 1month palang po baby ko.