Ang hirap ng itinatago

Good morning momsh ako lng ba yung natatakot majudge dahil nabuntis ng di kasal? Super hirap na itinatago ko dito sa loob ng bahay yung baby bump ko pero awa ng Dyos 34 weeks na ako di pa nahahalata ng mga matatanda dito sa bahay. Nakatira kasi kami ng family ko sa puder ng magulang ng father side ko which mean kapisan ko lolo at lola ko. Ayaw nila lolo at lola palipatin sina mama at papa eversince nagkafamily na kaya dito narin kami lumaki na control nila lahat ultimong pagdadamit naming mga apo niya. It's been a tough time na nakatira pa kami sa compound ng angkan ng tatay ko na puro matatanda at sila nagdedesisyon para sa mga mabubuntis na pamangkin, anak at even apo kung ano dapat gawin. Natatakot akong macontrol nila ako ultimo sa pagpapalaki sa bata dahil danas ni mama kung paano pinagdamot sa kanya kami nung baby pa kami. Pero alam ng parents at mga kapatid ko na preggy ako itinatago lng namin dito sa compound kasi nasa abroad si mama walang magtatanggol sakin incase na malaman nila. Ayaw ko naman ipakasal katulad nung mga tita ko na nabuntis din tas di nagkaroon ng successful marriage kasi sapilitan na para sa kahihiyan ng angkan. May mga plano kami ng boyfriend ko na makatapos muna since 2yrs nlng graduate na kamisa college. Ang hirap na parang furniture ka sa bahay nila na di pwede ilabas. Super strict samin ng lola ko ultimo sa pagiging religious kaya kahit gustuhin namin magsarili at humiwalay sila gumagawa ng paraan para bumalik kami ng bahay.

2 Các câu trả lời

Haay, ang hirap ng ganyang sitwasyon lalo na't hindi ka pa nakakatayo sa sarili mong paa. Laban lang momsh, magagawan nyo rin ng paraan yan. Buti supoortive sayo ang parents at kapatid mo. That's what matters most.

momsh malalaman at malalaman din nila yan lalo n paglabas ni baby... tsaka bkt kaw natatakot na majudge ok nmn si bf mu dva? tsaka need mu momsh maging strong para sa baby nyo..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan