Hemarate vitamin

Good morning mga mommies! Ask ko lang po meron ba sainyo dito umiinom ng vitamins na hemarate? If meron ano po effect sainyo? Sakin kasi mahapdi sa tyan after ilang mins ko na itake, then kasunod na nun magsusuka na ako..plan ko wag na sya inumin bukas. I’m currently on my 13weeks and so far kasi maswerte ako na di ako naglihi. I mean wala po ako naramasan na any pagsusuka or hilo sa loob ng 13weeks. But tuwing umiinom ako ng hemarate sumusuka ako..thank you..

Hemarate vitamin
29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nananakit din sikmura ko dito. Before breakfast ko tinetake. Pinatigil muna ni ob sakin for a month nung sinabi ko. Sabihin mo lang yang concern mo sa ob mo.

yan po vitamins ko hanggang sa nanganak ako so far sa akin ok naman po sa gabi ko sya iniinum never po humapdi tyan ko or nagsuka nung iniinum ko po yan.

Thành viên VIP

Mag take ka muna nang food bako ka mg take nang any vitamins.. For me yan na yung pag lilihi mo yung sumusukat ka sa pag take nag hemorate. 😊 ❤️

ganyan din sakin 30 piraso binili ko tapos dalawa Lang Ang bawas ksi nagsusuka ako pag iniinom ko Yan Kaya tinigilan ko sayng dalwa Lang bawas nito

Influencer của TAP

Mommy, may tinatake kany calcium? kasi hindi as per my OB, hindi pwedeng mag sabay ang calcium and hemarate FA. baka yun po ang cause?

sakin yan din po reseta pero tinatake ko siya after kumain and sa gabi lang din po so far okay naman po siya, hiyangan lang po talaga

binigay din sa akin yan ng OB ko kaso sobrang hirap kung dumumi sobrang tigas pasintabi kaya sinabi ko sa OB ko kaya pinalitan nya.

tuwing gabi mo mamshie inumin ganyan din ako dati pero nung gabi ko sya ininom umokay na. try mo din malay mo maging ok din sayo

yan resita saakin grave suka k jan 😂😂halos malopapay n ako.. may kain or wala talaga suka2 ako jan... kaloka

Sobra sakit ng sikmura ko dyan. Lahat na ng way ng pag-inom na try ko. Kaya sinabi ko kay dr. Binago naman nya.