13 weeks pregnant

Good evening po. Tanong lang po ako if pwede pa po bang matulog nang nakatihaya(supine position) di po kasi ako comfortable sa left side talaga eh. Sumasakit likod ko kasi pag sa left side. Salamat.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

13 weeks din ako miii. Comfortable nga pag nakatiyaha pero I tried my best talaga na laging kaliwa lang. Kasi yung daw talaga best position para sating mga preggy. Pag nangangalay na ako. Natihaya naman ako pero tinataasan ko ang unan. Tas babalik ulit ako sa kaliwa. Lagyan mo nalang ng unan sa likod mo tas blanket or kumot na suporta naman sa tiyan tas unan sa binti. Pag unan kasi sa tiyan din, di ako komportable. Pero ikaw try mo din po. Mahal din kasi ng mga maternity pillow pero kung makakabili ka, parang mas nakakasarap daw ng tulog.

Đọc thêm
3y trước

May nabili ako sa Shopee na u shape pillow woeth 1k sya and worth it nmn sis kasi masusuport tlaga yung likod

Influencer của TAP

actually po sabi ng OB ko ok lang daw, paulit ulit ko pa tinanong kasi sabi nga sa google and other mommies bawal daw nakatihaya. ung mom ko nung nag labor 8hrs nkatihaya kasi kinabitan sya ng baby monitor, pag ultrasound din nakatihaya naman. try nio po miii if nakatihaya po kayo irecline nio po ung likod nio para less impact siguro. pwde din po 45 degrees. lagyan nio po ng unan ung likod nio para hindi totally nakatihaya :)) ako din super bugbog na ung left side ko kaya nakarecline ako minsan matulog or naka 45degrees :)

Đọc thêm
3y trước

okay po. thank you so much sa suggestion. oo nga eh bugbog talaga left side 😅 sumasakit na balikat ko sa left haha

Sa umpisa lang po yan na di ka sanay, mas early mo sanayin sis para kapag malaki na tiyan mo medyo confortable ka na.Ako po mas tipo ko matulog ng nakadapa pero as early as nalaman ko na mas maganda left side matulog sinasanay ko na sarili ko though may times na nakatiya or right side ako kasi nakakangalay din. Lagay ka unan sa likod at tiyan para nakasupport.

Đọc thêm
3y trước

sabi po ni OB normal lng daw po yung sumasakit ang sikmura ksi part daw po yun ng paglilihi.

Pwede pa naman as long as wala pa sa 20+ weeks. Pero ako kasi nakatihaya natutulog then magigising ako naka tagilid ako sa left side. Siguro tinatagilid ako ng partner ko kasi sinabi ko sakanya na pag nakatulog ako ng naka higa lang itagilid nya ko. Try nyo din po isabi sa partner nyo para if makatulog ka man ng naka tihaya itagilid ka nalang nya.

Đọc thêm
3y trước

mag isa lng po ako. LDR kmi ni hubby. hehe nabasa ko nga rn po na pwde naman dw pag di pa naka 20+ weeks , ginagawa ko nlng po lagay ng unan sa likod pero mahirap paren kasi eh. 😔

Ang alam ko as long as di pa naman 20 weeks pataas, okay lang. But I recently asked my OB and she said better talaga left side (currently 15 weeks). Maglagay ka nalang ng unan sa likod mo para support. I also like sleeping ng nakatihaya but tinitiis ko mag left side kasi less kulit si baby pag ganun in my case. Please read this from an OB:

Đọc thêm
Post reply image
3y trước

Sinabi na rin pala ng OB mo. Follow it lang, they know best.

Influencer của TAP

Same din. Naglalagay ako nang unan sa likod para di ako naka tihaya baka mkalimutan ko. Natatawa lang tlga ako sa part yung katawan tsaka tiyan ko na sa leftside, pero yung shoulder tska ulo ko naka supine/tihaya.😂 Ewan ko kung pwde ba ganyan na posture. Bsta yung tiyan ko naka leftside.😂

3y trước

ginagawa ko dn minsan pero sumasakit likod ko haha minsan talaga d ko na alam anong pwesto ba gagawin ko.

Thành viên VIP

Best position talaga ang left side sis, para hindi mablock ang daluyan ng dugo papunta sa baby.. Gymamit ka nalang ng pillows to support your tummy and legs lalo pag malaki na siya.. Kung walang maternity pillow kahot regular lang basta i position mo pra masupport yung back at tummy mo

Nung una din po medyo namimiss ko nkatihaya so may times na nkatihaya ako matulog.. pero what really helped me ay ung bnili kong u-shaped maternity pillow.. mas komportable na ko matulog ng naka-side.

I consulted my OB about this since normally I'd start sleeping on my left then nagigising nalang ako na nakatihaya. She said it's okay nmn though advisable ang left.

Mas maganda talaga sis nakatagilid matulog lalo pag sa left side maglagay ka nalang sis ng pillow sa pagitan ng hita mo nakakawala daw ng sakit ng likod yun