Mahirap husgahan ang taong "nagmahal" lang, though somewhat expected mo naman na ang mangyayari o ang ending niyo, "nagmahal" ka pa rin. Hindi basta-basta mawawala yan, lalo at nagkaron ka pa ng "remembrance" from him.
Pero, ang buhay...
Hindi pwedeng puro emosyon ang pinaiiral.
Isipin mo ang bata, yes kaya mo itong itaguyod ng mag-isa. Pero paano kung itanong sayo o hanapin kung sino ang ama niya? Iaapelyido mo ba ito sayo lang?...
Ang buhay na nabuo, aksidente o planado ay responsibilidad niya bilang ama at ikaw bilang ina. Hindi pwede ang excuse na mahal niya pa ang gf niya o hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo. Again, hindi na ito tungkol sa inyo. May batang kailangan ng proteksyon, gabay at pagmamahal ng kanyang mga magulang, hiwalay man sila o magkasama.
Uulitin ko, gamitin ang utak wag puro emosyon. Make everything legal o naaayon sa batas.
Yella Avery Shine