Hilot
Good evening mga mamsh. Im 22weeks preggy. Ask ko lang sana kung safe ba magpahilot? Base sa pic, mga 1 week na siguro sya masakit. Hindi ko sya mabend ng sobra. At first di naman sya masakit kung di mabibigla sa galaw, pero ngayon masakit na sya. Parang ngalay. Kasi may nakapagsabi sakin na masama magpahilot ang buntis? Totoo ba? First time preggy here. Thank in advance.
Same tayo Mumsh. Ngayon, mula nung 5 months tyan ko. Masakit na both hands, si ko nga din maabot na ang lock ng bra ko sa likod, kapag nabebend ng tondo, sobrang sakit, parang ugat na naipit. Kala ko nga sa Calcium na iniinom ko, pero sabi ng OB ko normal lang daw yun. Wag daw masyadong magpapagod para maiwasab ang laging sakit ng kamay. Stay Safe!
Đọc thêmMay mga prenatal massage po. Safe for pregnancy. Kailangan po experienced sila. Kasi may mga points po ang mga buntis na bawal mapress. Kasi pwede mag preterm labor. Yung mga nag hihilot ng bagong panganak. Pwede mo sila tanungin kung naghihilot sila ng buntis. Pero sa wrist wag ka pphilot. Kasi danger zone natin yan. Kahit sa ankle.
Đọc thêmMadami po nag comment na naeexperience din po nila kaya nakapag decide na din po ako na wag nalang kasi normal naman daw po. I just want to be sure po for the safety of my baby. At magtatanong na din po ako sa ob ko pag visit ko ulit. Sobrang helpful po ng comment nyo, thanks po. 😊
Ganyan din po sakin nagstart sumakit at namaga ugat nung 7 mos. N tyan ko nilalagyan ko salonpas kaso wala epek until now na nanganak n ko 22 days old n si baby sumasakit p din every morning saka pag natatamaan. Kala ko mawawala after manganak kasabay nung manas kaso hindi pala hehe.. tiis lng momshie mawawala din yan.
Đọc thêmPero hindi manas sakin mommy. Kaya worried ako eh.
Me ganyan din till now .. 4 months ko na ito nararanasan 39weeks n ako now .. Ang hirap talaga lalo na dalawang kamay ko ang masakit .pag naiikot ko kamay ko parang pumipitik ung ugat na parang naiipit napakasakit ..kaya minsan hirap ako humawak ng mga bagay bagay ..
Nako thankful pa po ako at isang kamay lang sakin. Isa palang po masakit mahirap na kumilos lalo na po siguro pag dalawa. Ingat tayo mommy.
Baka ugat mo yan sis naipit, ganyan din sakin, lalo na pag'gising sa umaga grabe ang sakit, sabi naman ng ob ko, normal lng daw buntis yan. Nagmamanas ba kamay mo?
Ay ganon po ba? Hindi po manas, pero sa tingin ko po sa ugat nga po. Yun din po sabi ko sa partner ko na, feeling ko sa ugat po kaya gusto ko ipahilot sa therapist talaga. Hindi ko po sya maituon.
Hala, ako din momsh.. masakit din jan part..nagstart nung na inject skin ung flu vaccine. Mag 1 month na masakit pa din. Minsan napapasigaw ako sa sakit.
Ako po siguro nag start 21weeks. Pag tumatayo po ako tapos naiituon ko sya nabibigla ako parang may pilay. Hindi ko na din sya mabend since then. Kaya nag alala po ako.
Normal lng yan... Ako nga dalawang kamay ko ang masakit.. Nawala lng ang sakit nong mga 1 month old n Yong baby ko..
Nag worried lang po talaga ako. Kasi kala ko delikado kaya masakit. Pero since madami naman pala nakakaexperience, better po na hindi ko nalang ipagalaw. Itatanong ko din po sa ob ko sa next visit. Kakayanin pong magtiis para sa safety ni baby. Thanks mommy sa comment mo. 😊
Awww same tayo mommy. Sakin since nung 5-6 months till now masakit yung ganyan ko. Parang naipit din yung ugat.
True po. Sabi ko nga po sa hubby ko gusto ko po therapist tumingin para mas safe kasi feeling ko nga po talaga sa ugat.
Ang Masama Kung tyan Eh kamay Naman Yan ano Connect Kay baby nang sa kamay Hinilot
Pwede naman magpahilot, wag lang sa tyan saka sa balakang.
Ah kasi po natakot ako. Sabi ng kakilala ko bawal daw kahit saang part. Pag tinutuon ko din po kasi masakit sya kaya plano ko po magpahilot. Salamat po
Got a bun in the oven