stretch marks
hi good eve po. pede po bang maiwasan ung stretch marks?? 7 weeks na po ako preggy ? di naman ako takot mag ka stretch mark naisip ko lng ?❤️
Di daw po maiiwasan kung may family history talaga ng stretchmarks. Pero nakakahelp yung pagmoisturize ng skin. Ako ginagamit ko now is yung sunflower oil ng human nature. Mas mura kasi siya kesa dun sa bio-oil. Balitaan ko kayo pag effective. Magpopost ako dito. So far wala pa kong stretchmarks pero too early to tell kasi mga 8 months daw minsan nalitaw. October pa ang due date ko. 😊
Đọc thêmPart na po talaga ng pregnancy ang stretch marks pero depende daw po sa genes or skin elasticity niyo yung severity nung marks based sa nabasa ko. Para lang mag-lighten yung marks, drink lots of water para hydrated ang skin at put lotion din sa tummy, wag lang mga whitening.
Tama sis, di ako naniniwala sa mga sabi sabi. Basta nasa genes tlga yun..
Para dipo magkastretch mark, pag nangangati po ang tyan wag pong kamutin gamit ang kuko.. Matalas po kc ang kuko. Pwede po suklay or sa labas ng damit kamutin pag nangangati.. Ako po walang stretch mark dun sa panganay ko.
May mga maswerte po na hindi nagkakaron ng stretchmarks. But mostly po sa mga preggy normal ang magkaron kasi nababatak skin natin. Maglagay ka man ng creams or not, di maiiwasan na magkaron ng stretchmarks.
mag lotion or yung baby oil aloe vera kana habang maaga pa..kasi aq huli na nung gumamit na ako ng palmers lotion dami ko ng stretchmark di namn aq nagkakamot..peru di na cya dumami nung nag lotion na aq 😊
34weeks pero ang stretch marks ko lang po na lumabas ay sa taas ng pusod. wala na pong iba.. hindi naman din po ako nagkakamot.. nag apply po ako palmers cocoa lotion. pero hindi everyday po.
Lagay ka po ng oil sa part na nangangati. Or kahit di nangangati oil lang. Gamit ko malunggay oil or sunflower oil. Hanggang ngayon di pa ko nagkakastretch marks pero expect it na.
Pano po kapag meron na stretch mark, maalis Pa po Ba un? 9 months preggy po, merun na po ako stretch mark dahil sa pag makati, ang sarap kamutin
Stay hydrated at use DOVE as soap..recommended ko po yan..3kids hir pero ala ako strechmarks.. maliban lng sa.peklat nung CS ako😂
No po, ndi po naiiwasan un.. ngka2run po tlga nun lalo n ngsstretch tummy ng buntis pra i-accommodate c baby..
cant wait to see my little one