Sinabi ba sa’yo na may GDM ka, Sis? I had GDM too when I was pregnant. I suggest to follow your OB’s instruction na mag-consult kahit sa Endo na lang muna. She will advise you kung ano dapat mong gawin. Pwede ka rin niya i-advise na rin about sa diet mods (ganun kasi sa’kin), kaso baka most likely i-refer ka rin niya sa dietitian kung hindi maging effective. Ang pinagawa sa’kin nun since yung fasting BS ko rin lagi may problema, maglakad-lakad daw ako sa gabi. Pag kakain ng fruits, always half lang or basta kasya sa palm mo lang ang serving. Half cup of brown rice. Water lang, no juice kahit pa fruit juice. Most likely mas madalas ka rin i-ultrasound kasi you have to check size ni baby since may tendency sila mas maging malaki sa gestational age and baka maging polyhydramnios (more water) which is critical din. I had to undergo induced labor kasi dumami sobra ang water ko, kaya pala biglang nag-gain ako ng 3 or 5 kilos ata in 1 week.