39 Các câu trả lời

Hello. Last year I had the same experience. 7 weeks naman na-detect na no heartbeat. We tried to be positive at first and well, in-denial. My ob advised me to take raspa na pero just to make sure, pinagtake niya na rin ako ng primrose for 3 days para mag-open ang cervix ko and natural kong mailabas. I did what i was told and ayon, walang nangyari. That moment gave me hope so I continued my pregnancy thinking na "Maybe need ko lang ng 2nd opinion". Wala rin kasi akong bleeding. Then a month after ayun, biglang dugo ng malakas and sinugod ako sa hospital ng madaling araw na walang malay due to severe blood loss. Nalaglag na talaga si baby and wala na talaga siya. Hindi ako nananakot but I want to share with you my experience. You wouldn't want to ever reach that stage na hinayaan lang. Delikado po and I tell you, it's the worst pain. Akala ko matutuyuan na ako sa delivery room while waiting for my ob for raspa. So if you want to be sure, consult another ob pero if same case I advice you na magparaspa ka na. :) pray lang mommy and magpakatatag :)

NO! Ang harsh naman ang OB na yan! Please have second opinion. Dapat maximum of 13 weeks bago mag decide na mag raspa na if no heartbeat, no yolk sac, no fetal pole or ano pang wala jan. Please go to another OB after 2 weeks just as long as you are not bleeding. If mag bi-bleed ka, punta ka agad. But give yourself 2 weeks for another TVS, if wala pa rin, do another TVS after a week or 2. I did have 3 TVS before na confirm ang pregnancy ko. Positive sa PT but walang laman ang uterus ko, no heartbeat.. namamagang lining lang ang meron. 9 weeks na nung nakita na ang baby and may heartbeat. Please. Wag ka muna magpa raspa.

No choice na kasi talaga...kahit ayaw ko dun mag pa OB sana ..kaya lang medyo na excite kasi ako saka wala talagang open na iba na malapit..Sobrang sama lang ng loob ko na d manlang nag bigay ng kahit konting hope or nag suggest na pa second opinion man lang...feeling ko wala siyang pakialam.ang inuna pa ay pag kwenta ng bill pag nag pa raspa .diba ang sakit sa loob ...kaya lalong naiyak talaga ako after .Kaya may friend ako na OB kaya lang malayo siya..nag message ako.same ung payo mo girl as long as wala daw bleeding i pa second opinion ko daw muna para panatag ako..hirap lang mag hanap ng open ..kasi kay Covid19.pero searching pa din around QC lang.

ako nag pa transV 4weeks palang tiyan ko wala laman as kahit heartbeat wala then binigyan ako vitamins then ni advice sakin na mag kita ulit kami after one month btw una check up ko nov 22 then nag kita ulit kami January na pag balik ko ni request ulit ako transV kaso di nako pinayagan mag pa transV sa ultrasoundnan kase parang malaki na so ultrasound na ginawa Then ayun nga Buo na si Baby may heartbeat nadin 12weeks 😊 wala din ako bleeding nun bedrest lang ginawa ko Kaya kung worried ka pa 2nd opinion ka papalit ka ng OB btw 25weeks na tummy ko 👶❤️

Ganyan din po case ko right now. I was so terrified knina nung sinabi ng ob na wala pa ding heart beat. 9 weeks na xa today to be exact.feb 5 lmp ko. Wait for another week, kung wala pa din D& C na daw. Pero I'm not losing hope. I keep on praying na magiging ok si baby, bcoz, we've waited for so long to have another baby.this is the 3rd. May dalawa akong miscarriages/abortion after ng bunso ko who is 15 years old now. I'm 37. May I also ask your prayers for my baby and so with the expecting mother with the same case as mine.

Praying for you mommy...Hope everything will be ok for both of us...im still claiming for miracle.God is incontrol.

Ganyan din saken momsh, Dec. 17, nalaman kong preggy ako. Dec. 18 nagpa TVS ako sabi early pregnancy daw 4 to 5 weeks, repeat TVS after 2 weeks. Then nung nag pa TVS ako sabi 6weeks no heart bet. Sabi ni OB need i raspa pero para daw sa peace of mind ko wait uli kami ng 2 weeks. (Take vitamins) di pa halos nakaka 2 weeks after nun January 7, dinugo na ko. 😔 ayun diretsyo raspa na. Nakaka iyak. Nakaka lungkot pero believe me. GOD has always have a better plan for us. Fight lang!

Mommy. Sorry to say kse kung bibilangin mo ung edad n baby dpt nsa 9 weeks n sya pero based s ultrasound mo prng hndi sya lumaki. Hanggang 6 weeks lng sya. Gnyan dn ngyre s firat baby ko. Supposedly 10 weeks n sya nung mgppultrasound ako pero based s ultrasound 8 weeks lng sya. Sbe ng ob ko 2 weeks ng wlang heartbeat s baby. Ibig sbhin 2 weeks n syang patay ng hndi ko dn alam kse no symptoms of miscarriage e. Pray lng tyo mommy..

Sobrang skit kse first baby.. Lahat ginawa pra mabuhay. Pero di tlga sya kaloob n Lord.

same story last yr.. 6weeks 1st trans v ko meron yang hb kaso mabagal daw then after 3 weeks trans v ult wla na daw heart beat nagpnta ko sa ibang ob same pdn result wala pdn hb need na daw iraspa d ako sumuko ng try ult ako kaso wala pdn daw pero ndi dn ako dinugo.. hanggang sa niraspa na ko ng nov. ngaun 8weeks preggy na ko at d pa makapag pa check up dhil sa lock down pero dasal lng na sana okay c baby .. at magtuloy tuloy na

oo nga mamsh sana tuloy tuloy na to .. hndi pa makapag pa check up dahil sa ECQ

Hi momshie, pa second opinion ka po muna. Kasi ganyan din po nangyari sa akin before, 8weeks supposedly yung baby according sa ultrasound pero walang HB. Nung nagpasecond opinion kami binigyan kami ng another 2weeks to make sure kung meron bang HB or wala. After 2weeks bumalik kami sa OB, Unfortunately, wala talagang HB at walang makitang baby. And findings ng OB blighted ovum, hindi nabuo yung baby.

Sis ako base dun sa last period ko jan 14 3mos 1day n c bb kahapon d maditect ni ob yung heartbeat nya nadidetect nya yung heartbeat ko at super bilis dw but base dun sa pelvic ultrasound ko kahapon 8weeks 2days palang yung gs ko and d din nakita c bb..kaya super stress nako..sabi nung ngultrasound mas makikita kung sa transv kaya after holyweek magpatransv nko para sure

Raspa agad sis?? pa 2nd opinion ka muna. Na experience ko din yan 1st trans v ko 6wks din wla pang heart beat zac plang sya binigyan ako ng pampakapit for 1 week tas after 2 weeks trans v ulit ayun my heart beat na. Irreg ako kya sa utz sila nag base kng ilang wks na si baby

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan