Nagkakamali baPregnancy Test?

Good day po sa lahat, tanong ko lang po if pwede po ba magkamali yong pregnancy test? Kasi po naguguluhan na ako if when talaga ako manganganak. Last monthly period ko po is nong May 23,2019, tapos nong nag delay na ako June nag pt agad ako but negative po siya. Pag abot po nang july delay pa rin so nag pt ulit ako at negative parin siya. But in that 2 months po ay may nararamdaman na akong mga kakaiba, so nagpatingin na ako nang doctor. Ne require nya ako nang laboratories like ECG, XRAY, URINALYSIS at CBC, so nag punta agad ako nang malapit na laboratory sa amin, sabi nong medtech na mag pregnancy test muna kami baka kasi pregnant ako at may x ray pa naman sa request ko, so yon na nga positive ako, pwede po kaya na may laman na ako noong june at july mga moms? Please po need some ideas and advises, kasi nong nag pa prenatal na ako ne require ako nag TVS ultrasound kasi nga hindi ko alam if ilang buwan na talaga ako pregnant at don nakita sa result ang edc ko ay april 6 po. Please help po, feeling ko po kasi malapit na ako manganganak kasi nag crumbs na lower abdomen ko po

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời