*sending hugs*
kaya mo yan mi! super relate ako sayo, malapit na mag 4 months baby boy ko and nung preggy ako sakanya super negative din ng mga thoughts ko and super stressed pa. until 9 months nagtatrabaho ako kasi walang work yung bf ko and panganay ako so breadwinner din ako, parang dalawang pamilya yung sinusuportahan ko tapos dagdag pa si baby. ako rin late ko na nalaman na buntis ako, 4 months na tiyan ko nun, nakainom pa nga ako at nagvevape dahil super stressed ako sa trabaho, pero healthy naman si baby kasi tumigil ako kagad nung nalaman ako at inalagaan ko na siya until maipanganak ko siya. sobrang dami ko rin worries noon, unang una ang hirap maging babae kasi expected ng lahat ikaw dapat ang mag alaga kay baby, pero sobrang pinaghirapan ko yung career ko at ayokong igive up yun. pangalawa, ang daming nabuild up na resentment sa bf ko, dahil nga wala siyang trabaho, nakikitira din kami sa relatives niya, sa lola at tita niya, tapos same tayo sa sala lang din kami. madalas din sumasagi sa isip ko na unfortunate and miserable yung buhay namin dahil tatlo kaming natutulog sa sala tapos yung mga gamit ng anak ko wala man lang mapaglagyan na drawer. I won't lie, mahirap talaga siya mi kasi di tayo nakapag prepare, and madalas sinisisi ko rin yung sarili ko, and naalala ko rin ng preggy ako na sumagi rin sa isip ko na baka mas magandang makunan na lang, pero kapag tinitignan ko yung baby ko at ngumingiti siya sakin, di ko mapigilan maluha sa saya. very complicated and mixed feelings ako ngayon, and malapit na rin matapos maternity leave ko, there's no end to my anxieties pero we keep on holding on lang. hanggat kaya pa, kahit gano kabigat yung nararamdaman, yung regrets, kahit yung depression pa, laban lang. kaya super happy rin ako na nakita ko tong TAP community kasi very supportive ang fellow mommies dito, kaya kapag feel mo sasabog ka na, feel free to share, support ka namin. stay strong mi, and hoping for safe delivery mo kay baby💕💕💕