Just wanted to share - Life problems

Good day po. I just wanted to share. Feel free to give your thoughts or advice but please dont judge me. Long post ahead 😁✌️ So I'm in a 2 years relationship with my boyfriend and 8 months pregnant na rin. Chubby po ako and may history ng PCOS kaya nung more than 2 months palang na delayed ako, di ko agad naisip na buntis ako. During that time may issue po ako sa employer ko (unpaid contributions and delayed payroll) kaya I decided to resign. Hindi ko inexpect na mahihirapan ako makalipat ng trabaho kasi before naman nakakahanap ako agad after a month or 2. I'm not sure maybe because nagfile ako ng complaint kay DOLE and NLRC, or dahil wala akong mabigay na requirements (COE, BIR 2316 etc) kaya ang hirap sakin mahire ngayon. 15 weeks pregnant: I decided to stop applying while si boyfriend ang gumagastos sa vitamins and checkups ko. Hindi pa po kami nagsasama. Sya nakatira sa tita nya, ako naman share kami ng kapatid ko sa rent dito sa manila. Umuwi muna ako sa province para makatipid. I didn't tell sa relatives ko na buntis ako. Sinabi ko lang na magbabakasyon muna ako habang walang work. Here's my reason: 1. Ako ang nagpoprovide sa family ko. Timing lang na graduate na yung kapatid ko and kakahanap lang nya ng work. Marami pang need ipagawa sa bahay na dapat ako yung inaasahang gumastos kaya natatakot ako sa reaction nila kung malalamang buntis ako. 2. Ayokong mapag usapan ng mga marites na kapitbahay. Sobra po kasi ang mga marites samin to the point na susundan ka ng tingin kahit titignan mo na sila. May time nag uusap sila bout sa ibang tao then maririnig pa sa kabilang bahay. 3. Yung mga older sister and brother ko po naunang magkaanak bago nakasal. I saw them na nagstruggle sa finances then kami na mga naiwang bunso at si mama ang nag alaga sa mga pamangkin ko. Hindi na sila nakatulong sa family namin ever since nagkaanak sila. Madalas pa kay mama sila humihingi kapag gipit sila which is galing din sa padala ko. I dont want na matulad sa kanila. Ayoko madisappoint si mama na nabuntis din ako bago maikasal. Gusto ko makapagprovide pa rin kahit may anak na pero pano kung wala akong work. 4. I don't want to judge yung iba na maaga nagkaanak bago naikasal kasi may mga nakikita naman ako na happy sila at nakakaya naman nila. Pero.. Somehow nahihiya ako ishare sa socials or malaman ng iba na buntis ako tapos hindi pa nakakasal. Sorry po. 25 weeks: My mother asked me parang mukha raw akong buntis. Sabi ko lang mataba kasi ako may history ng pcos etc. Nabigla ako kasi gusto ko umamin pero biglang ganun nasabi ko kay mama. Naniwala naman si mama kasi nga tabain naman talaga ako tapos puro oversize sinusuot ko. Sa 3 months na nasa province ako, I decided to not take my vitamins, milk or kahit attend ng checkup. I wanted na makunan ako kasi kahit anong isipin ko hindi pa talaga ako ready maging mommy. Gusto kong maging mommy, naiimagine ko pano ko aalagaan si baby, pero alam kong hirap sa finances lalo na wala kami sariling bahay. After a week I decided na bumalik ng manila baka makahanap na ng work kahit freelance lang. Nung pagbalik ko ng manila every 2 weeks na ang checkup ko since bantay na si boyfriend. Hindi alam ng OB ko na di ako nagtitake ng vitamins. Also I still eat and drink whatever I want (coffee, coke, spicy foods). Hindi alam ni bf yung mga ginagawa ko kasi nakikita ko sya na excited sa paglabas ni baby. Hindi ko masabi na ayoko pa 'to. Ayokong mabuntis..Hindi ko rin inexpect na mahihirapan pa ako mag apply. Even sa freelance, I just take my time na magenroll ng mga free courses to have additional knowledge nalang. Fast forward 8 months na ako. Still not taking my vitamins and same lifestyle pa rin pero tuloy pa rin ang checkup. All my laboratory results are normal naman. I just realized na hindi na ako makukunan kasi normal lahat ng lab results ko plus si baby started kicking na which is normal din. I also saw him for the first time na buo na sya sa ultrasound kaya may kirot akong naramdaman. Naguilty ako sa ginagawa ko bakit hindi ko sya inaalagaan. Medyo teary ako while watching yung monitor. Now my problem is paano ko sasabihin sa family ko yung kalagayan ko. Natatakot po ako sa tototo lang. Natatakot ako sa maraming bagay. 1. Natatakot ako sa sasabihin ng mama ko. Kung madidisappoint ba sya. Naawa rin ako na hindi ko pa sya mabigyan ng magandang buhay. 2. Naawa ako sa kapatid ko na kakarguhin yung pagprovide ng bills and expenses ni mama. Si mama po pala ay senior na at nagmemaintenance na rin po kaya di na pwede magtrabaho ng mabigat. Nagpundar lang po ako ng mini sari sari store para sa pang araw araw nya pero madalas humihiram din mga kapatid ko. 3. Hindi enough ang sahod ni boyfriend. Hindi ko alam pano kami pagkalabas ni baby. Yung gatas, vitamins nya etc kung ngayon palang madalas inuutang nya yung panggastos sa pregnancy ko. Pero kahit ganun proud ako sa kanya kasi never sya nagreklamo. Ginagawan nya lahat ng paraan. 4. Plan po namin magstay sa tita nya pagkapanganak ko. Luluwas din po yung mama nya para matulungan ako mag alaga since first baby po namin at di po kami pareho marunong pa mag alaga ng baby. Doon po kampante ako. Pero I'm worried kasi kasama po sa bahay yung relatives nya na madalas nya makwento noon na umaattitude. Sana matiis ko sila habang nakikitira pansamantala sa kanila. Sa sala lang din natutulog si boyfriend kaya wala kaming privacy. Pati si baby sa sala matutulog. Yung environment po ang inaalala ko. Sana makayanan ko na ganun kasi ever since nagtrabaho ako, nasanay na ako na solo ko. Solo ko mapa apartment or room for rent. Hindi na kami pwede sa kapatid ko kasi pang 2 tao lang yung space. Hindi ko rin gusto sa province kasi mastress lang ako sa mga kapitbahay. Hindi pa rin po namin kaya bumukod. 6. May 2 cats ako na super love ko at maiiwan muna sa kapatid ko. Pwede na kaya sila kunin kung sakaling makabukod ako at makaisang taon na si baby. Ayoko sila iwan. 7. I'm worried na baka may problem si baby sa brain or saan man kasi very emotional ako from first to third trimester, plus yung lifestyle and me not taking the vitamins pa. 8. Nagstart si bf manigarilyo at uminom lately. Sabi nya due to stress. Alam ko naman di madalas pero nabobother lang ako kasi may trauma ako sa relatives ko about sa mga umiinom and mabisyo. Sinabi ko sa sarili ko na ayoko magkaasawa ng ganun. Natatakot ako na mangyare sakin. Natatakot ako sa matulad talaga sa mga relatives ko. Hindi ko alam anong gusto ko mangyare or anong advice yung hinihingi ko hehe. Gusto ko lang ishare yung mga iniisip ko lately. I'm not sure kung nadedepress po ako pero madalas napapaluha nalang ako kasi alam kong di kami prepared dito. Kung natapos mo pong basahin ito, thank you so much and God Bless. ❤️🙏

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

*sending hugs* kaya mo yan mi! super relate ako sayo, malapit na mag 4 months baby boy ko and nung preggy ako sakanya super negative din ng mga thoughts ko and super stressed pa. until 9 months nagtatrabaho ako kasi walang work yung bf ko and panganay ako so breadwinner din ako, parang dalawang pamilya yung sinusuportahan ko tapos dagdag pa si baby. ako rin late ko na nalaman na buntis ako, 4 months na tiyan ko nun, nakainom pa nga ako at nagvevape dahil super stressed ako sa trabaho, pero healthy naman si baby kasi tumigil ako kagad nung nalaman ako at inalagaan ko na siya until maipanganak ko siya. sobrang dami ko rin worries noon, unang una ang hirap maging babae kasi expected ng lahat ikaw dapat ang mag alaga kay baby, pero sobrang pinaghirapan ko yung career ko at ayokong igive up yun. pangalawa, ang daming nabuild up na resentment sa bf ko, dahil nga wala siyang trabaho, nakikitira din kami sa relatives niya, sa lola at tita niya, tapos same tayo sa sala lang din kami. madalas din sumasagi sa isip ko na unfortunate and miserable yung buhay namin dahil tatlo kaming natutulog sa sala tapos yung mga gamit ng anak ko wala man lang mapaglagyan na drawer. I won't lie, mahirap talaga siya mi kasi di tayo nakapag prepare, and madalas sinisisi ko rin yung sarili ko, and naalala ko rin ng preggy ako na sumagi rin sa isip ko na baka mas magandang makunan na lang, pero kapag tinitignan ko yung baby ko at ngumingiti siya sakin, di ko mapigilan maluha sa saya. very complicated and mixed feelings ako ngayon, and malapit na rin matapos maternity leave ko, there's no end to my anxieties pero we keep on holding on lang. hanggat kaya pa, kahit gano kabigat yung nararamdaman, yung regrets, kahit yung depression pa, laban lang. kaya super happy rin ako na nakita ko tong TAP community kasi very supportive ang fellow mommies dito, kaya kapag feel mo sasabog ka na, feel free to share, support ka namin. stay strong mi, and hoping for safe delivery mo kay baby💕💕💕

Đọc thêm

Hello, una sa lahat sabihin mo na sa family mo. Mabigat sa loob at puso yung may tinatago, hindi ka talaga makakatulog niyan. Baka alam na din ng mama mo, ikaw na lang inaantay niya magkusa magsabi. Gets kita sa pagtulong sa family, pero after mo naman manganak makkapag work ka pa ulit. Makakatulong ka pa rin kahit papano, matitigil lang saglit. Pangatlo, hindi advisable na dun ka sa tita ng bf mo titira, tapos sa sala pa. Grabeng adjustments yan sa part mo baka madepress ka lang lalo. Mas maigi na dun ka sa mama mo muna kung di kaya mangupahan. Pero if no choice, tatagan mo loob mo sa environment na hindi ka sanay, at sa pakikisama sa ibang tao. Also, magiging nanay kana, wapakels kana dapat sa mga marites na walang ambag sa buhay mo. Wg mo sila intindihin. And last tungkol sa worries mo kay baby, lets just hope na sana okay lang siya despite na napabayaan mo siya sa tyan. Bawi kana ngayun sa knya. Papano, be healthy, wag na masyado mag isip and gawin ang tama. Start mo lang sa pagsabi sa family mo and malay mo, matulungan ka pa nila. Malaking ginhawa kasi yung wala kang tinatago. Sa partner mo naman, tingin ko nararamdaman niya yung stress mo kaya pati siya nai stress na din. Mag usap kayo and sabihin mo na may trauma ka sa mga bisyo niya and kung pwede iwasan niya yung mga yun para bawas sa pago overthink mo. Sa finances, almost the same lang naman tayo. Kaibahan lang tuloy tuloy work ko. Pero may kapatid akong pinag aaral sa college. Lagi ko na lang iniisip na we'll just cross the bridge when we get there. Hindi na ako para mag overthink sa hindi pa naman nangyayari kasi ako din ang talo, damay pa baby sa stress ko. Pati si hubby madadamay kasi magiging mainitin ulo ko pag stress ako.

Đọc thêm

during pregnancy ko po ganun din ung iniisip ko, at parati naiiyak..kasama po yan sa pagbubuntis saka kung anu2 ung mga negative thoughts.. about naman sa mama mo pwede mo naman siguro sabihin sa kanya hindi kna man nag kulang at may sarisari store naman naipundar mo para sa kanya at saka imaginin mo na lng po kung ano ang mararamdaman ni mama mo pag sa ibang tao pa niya malalaman na buntis o nanganak kna pla...siguro its about time na tumigil na sa paghingi na ng pera mga kapatid mo ky mama mo at pag malaman din nila na wala ka pang trabaho at buntis maiintidihan din nila ung sitwasyon mo kasi galing din sila dyan. saka halata naman na masipag kang tao..after ka po manganak at saka my trabaho kna mag double sumikap ka po para makapag bukod bahay kayu ng bf mo po..or iwan mo.po.ung anak mo ky mama mo.para panatag ka basta isustain mo.lng ung daily needs ng bata..who knows baka pag nalaman ni mama mo baka matutuwa pa siya kasi my APO siya SAYO.. saka huwag ka po magpastress malapit kna manganak kasi.. advice ko lng po.. pag ikaw babae mas maganda po sa side mo po ikaw magpaalaga after pregnancy..kasi matutulungan at maasikaso ka nila ng maayos kasi pamilya mo sila hindi ka pababayaan ng mga magulang mo..kesa sa ibang pamilya ka po mag paasikaso unless super close kayo sa ibang side which is good po..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy. Lakasan mo lang loob mo para hindi ma stress si baby hanggang sa pag labas nya . Kung makikituloy kayo sa tita ng bf mo makisama kalang kahit may ipakita silang hindi maganda sayo basta tiis lang muna Hanggang sa makabukod na kayo. Yung sa mother mo naman tell them that you’re pregnant para makapag adjust sila at mapag usapan nyo kung sino muna ang sasalo senyong magkakapatid dahil hindi lang ikaw ang anak at wag mo akuin ang lahat kase masasanay mga kapatid mo na ganyan na ikaw palagi mag provide pagkatapos sila naman pinaka nakikinabang sa parents mo para magpabantay ng anak nila tapos wala pa mabigay na pang gastos sila pa nanghihingi. Hayaan mo na sila naman tutal ginawa mo naman lahat ng best mo nung wala ka pang anak. Think positive lang sa lahat ng bagay malalagpasan mo rin yan. Always remember that god will provide yung akala mong wala pero may blessing na dadating. Pray lang palagi sis . Btw preggy din ako 😇

Đọc thêm
Influencer của TAP

naku,mie same tau breadwinner aq nabuntis aq sa panganay q sobrang stress nawalan kaya kahit malaki tyan q cge work aq nun....pero malakas loob cnabi q totoo sa parents q 2 q kapatid nag aaral ng highschool 31 yrs.old na aq nun...una talaga dissappointed cla tapos nagalit d maiwasan syempre ung itsismis ka ng mga tao...ignored q lang cla basta lakas ng loob ska dasal...iniisip q talaga makaraos aq at healthy c baby...mag isa lang aq kc umuwi aq sa amin ung tatay ng baby q na endo tapos nkitira lang sa kapatid nya..nanganak pa aq ng maaga thru CS 3 mons NiCU pa c baby.D man aq natiis ng tatay q....ung nanay q talaga natiis nya aq pero nung nakita nya ung baby natanggap nya din..kaya,mie advice q sau sabihin mu nlang totoo at much better kasama mu family mu kahit galit cla tanggapin mu lang wag mu nalang sabayan galit nila...trust yourself tapos Pray isipin mu c baby..

Đọc thêm
Influencer của TAP

Hello mommy, I recommended you to watch NOWHERE sa netflix. Nung una akala ko ako lang yung ganun na praning before pero nung nakita na yung anak biglang lumakas. Nawala lahat ng takot. Advice ko lang sayo mommy na for now, enjoy mo lang pagbubuntis mo. Normal lang ang matakot since marami talagang changes. Pero as a mom like you na ayaw rin talaga mag-anak noon kasi ako na lang wala anak samin and nakita ko hirap ng buhay ng may anak, it is all WORTH IT! 3months na baby ko and di ko masasabi na madali na pero I’m for sure everything became clearer now. And I know it will become better. Kaya cheer up mommy, magiging okay rin ang lahat. God is giving you something you needed. You never know baka mas maging better pa ang sitwasyon kapag nakita na ninyo si little one. 🙏

Đọc thêm
Thành viên VIP

much better po kung magsabi ka na kay mama mo at mga kapatid mo ng makapagadjust na po sila, it's time naman na ikaw ang tulungan nila, madami naman mga work from home jobs na pede mong applyan sa ngayon focus ka lang muna sa dinadala mo lilipas din ang lahat at mabilis lang ang panahon, ano man yung pinagdadaanan mo ngyon pray ka lang po. Saka tandaan mo po na huwag kang mgpaapekto sa nga sasabihin ng ibang tao sayo mastress ka lang hinde naman sila ang ngpapakain at bumubuhay sa inyo. try to look for a better resolution to your problem than dwell on to it, malulunod ka, unahin mo ang problema na kailangan ng agarang solusyon, one at a time huwag mong isipin yung d pa dumarating. Kaya mo po yan,

Đọc thêm

First, love yourself enough. Ang daming worries. Sa present nalang muna. Kung maka survive lang today ang goal, that's okay. Hanggang sa di mo namamalayan nagiging okay na pala, kinakaya mo na pala. Tough times, yan yung mga hindi mo makakalimutan sa buong buhay mo sa take every lesson, and remember may mga tao ka na posibleng ma'inspire someday sa kabila ng mga maling decisions mo in life. Kase tao lang naman tayo lahat, nagkakamali talaga. Kung pakiramdam mo sukong suko ka na, ilaban mo sa panalangin. Trust the process. 😊🙏

Đọc thêm

Lakasan niyo po loob niyo..Ipagdasal niyo po lahat ng bumabagabag sa inyo.Hindi po yan ibibigay sa inyo ni Lord kng di niyo po kaya.Focus na po muna na mahing healthy si baby paglabas..Anjan na po yan.Lahat naman po ng problema nagagawan ng solusyon.Mqg tiwala at Manalig po tayo kay Lord❤