1st baby namin via nsd. 41 weeks & 3 days nung nanganak ako. Gusto na ko ics ni ob kasi no sign of labor. After my nst (nonstress test), pumunta ako ng sm. Lakad lakad. Akyat ng stairs. Got home around 6pm. Matigas tiyan ko. Pero di ko pinansin. Nag cr ako may dugo na pala. Nag dinner pa ko kasi gutom na ko. Shower. While monitoring the contractions & waiting for hubby. By 10pm, dumating kame ng hospital, 6cm na ko. Derecho delivery room na. Pinaka nahirapan ako sa pag ire. Wala na kong energy. Pagod. I recalled gusto ko na magpa cs, pero naka baba na si baby. Fundal push kaya nakaraos. Then nawalan na ko ng malay. Narinig ko na lang iyak ni baby. 3.2kg si baby kaya hirap akong ilabas. Ayun may tahi din. Masakit lahat - tahi at katawan ko. Pero worth it.
2nd baby preemie emergency cs dahil positive ako sa covid. Wala akong maalala na pain after cs. Dahil mas nahirapan ako sa covid symptoms. Thank God, healthy si baby at di nahawa sa akin. After cs, derecho isolation room ulit ako. Matinding gamutan pero nalampasan, kinaya ko. Di ako pinabayaan ni God. ❤️
Anonymous