107 Các câu trả lời
hahhaha. mandiri na kau pero ako 24days bago naligo pero araw araw na katakot takot na punas ang gnwa ko. after nung 2nd week kasi nung bngyan ako go signal n doc na pwede na maligo, nabinat ako kahit dpa ko naliligo kaya natakot ako, sabi ko wag muna ko maligo khit pwede na dahil nabinat pa nga ako. nagpupunas naman ako and nagshashampoo ng hair everyday with the help of my husband sa lababo😀
7days.. yung pinaligo nila saken is yung dahon2.. wla namang mwwla kpag naniwla sa mga kasabihan.. pero shempre may plastic sa tahi kasi bwal mabasa.. 3weeks palang ako ngayon. hindi ko pa din nbbsa yung tahi ko so may plastic pa din kpag naliligo ko. i want to make sure di sya nbbsa pra magheal na agad yung sa labas. although sa loob shempre it takes years.
Kung natanggal na swero, sondas at nalinis na sugat mo mamsh. At syempre tumatayo kana. Tapos yung OB yung unang linis nglalagay ng water proof dressing sa sugat. Pwede mo basain yun hindi magagalaw sugat mo. Kpag discharged kna sa ospital pwede kna maligo sa bahay tapos kinisin yung sugat pagkatapos. Syempre kasi mas prone ka sa infection kung hindi ka malinis kaya dapat maligo.
Aq sis 5days..pagkatanggal ng swero ko naligo nako..nsa hosp.pa aq dat time,kase minominitor pa bp ko..buti nalang hndi maxadong malamig tubig sa gripo..kaso paglabas ng cr..lamig naman ng aircon..gnamit kong pantapal sa tahi ko..opsite,para pwede kht mabasa ng tubig..pero d nababasa tahi..awa ni Lord..okay naman aq ngaun
9 days ata before ako naligo, hindi ko pa rin binasa ang tahi ko nun.. At 3rd or 4th week ata ako naligo na binasa ko na yung tahi. And until now 1 month sobra na ko nilalagyan pa rin ni hubby ng betadine ang tahi ko para daw sure na malinis, binder pa rin ako until now..
Sabi po ng Doctor sakin after 2days pwede na kaya pag-uwi po namin naligo na ako. Maligamgam na tubig po ang paligo tapos lagyan mo po ng alcohol yung tubig. After po maligo lagyan mo ng alcohol yung mismong sugat at yung gilid. 1week lang po okay na yung sugat ko.
Pagkauwi ko so 4th day after cs naligo na ako. Pero warm bath, may tegaderm kase na nilagay yung ob ko. Yun yung parang plastic na madikit na ilalagay sa tahi mo para hindi mabasa. Kapag walang kinabit sa inyo ang ob ng ganun, may available nman sa mercury.
Pag-uwi sa bahay. That's in the 3rd or 4th day yata. Actually, my ob is instructing me to take a bath nung nakita nya na hindi na ko grogy 14 hours after cs. Private room naman ako, malinis talaga ang cr. Pero hindi ako sanay sa ganun.
Ako po cs pero after 1week naligo na po ako tpos tinagal na din po ung plastic kasi para dw po mabilis mag dry at gumaling sugat kahit nababasa ko po naliligo ako after ko maligo nilagyan ko lng po betadine un po sbi ng ob ko
Pang 3rd day ko sa hospital nung kaya ko ng tumayo naligo na ko .. Kawawa kasi si baby nanlalagkit ako , tapos every day na ko naliligo sabi din sakin ng nurse para daw laging malinis yung sugat at hindi maimpeksyon
Ian Mae Maape