Seems like you earn enough naman mommy nang work from home. Sa tingin ko, masmakabubuti na kayo na lang ni baby kaysa ginaganyan kayo ng partner mo. Everytime mag aaway kayo palalayasin kayo dyan, tapos parang walang kusa gampanan yung responsibilidad nya bilang ama. Parang tinambak nya lang kayo dyan, tapos pinatira sa bahay ng nanay nya para masabing di nya kayo pinabayaan, but those are clear signs of neglect. Ask for advice sa barangay dyan kung paano nyo maaayos yung sa sustento kay baby kasi responsibility nya yun. Kung hindi sya magkukusa o makukuha sa maayos na usapan, daanin nyo na sa batas. By the way, according po sa VAWC law (RA 9262), kasama po sa psychological abuse ang pamamahiya (humiliation) at financial abuse naman ang hindi nya pagbibigay ng financial support sa bata. Maaari po syang managot sa batas sa lahat ng ginagawa nya sa inyo.
Check nyo rin mommy ang cost of living sa QC at kung saang province man kayo. Kung may mga kamag anak kayo sa QC, kamustahin nyo yung presyo ng mga bilihin, renta, etc. Tapos icompare nyo po sa presyo dyan sa tinitirhan nyo. If mapapalaki ang gastos nyo sa QC, pwede naman po kayo bumukod pero dyan pa rin sa province. Para less gastos and makaipon kayo unti unti.
https://pcw.gov.ph/republic-act-9262-anti-violence-against-women-and-their-children-act-of-2004/#:~:text=(a)%20%E2%80%9CViolence%20against%20women,her%20child%20whether%20legitimate%20or
Gime RM-DG