10 Các câu trả lời
Hanap ka OB/Sono, like sa pinagpapa check upan ko ngayon... Un OB ko sonographer na rin, un clinic nya may sarili ultrasound na gamit... So every check up ko sa kanya kasama na sa check up un ultrasound, sinisilip nya un baby then may bayad lang un Ultrasound if ipapa print un result... 500/check up ang bayad sa clinic nya...
Ako mi monthly nagpapaultrasound noon, di naman required ung referral. Sabihin mo lang walk in patient ka. Unless katulad sa public hospital na pinupuntahan ko noon, hiwalay ung OB check up/consultation saka ultrasound room, ung mga nakapila sa ultrasound room may hawak ng referral galing sa OB ng ospital mismo.
May mga clinic/laboratory na hindi na humihingi ng referral. Ganyan din ako non di mapalagay pag ndi ko nakita sa ultrasound na okay c baby during my 1st trimester. Kung talagang excited ka na at gusto mo mapanatag loob mo. Pwede ka maghanap ng clinic/laboratory na ndi na kailangan ng request from Ob.
pwede kahit walang referal. kasi ako ganun ginagawa ko before. saka kahit mga laboratory nagpapatest na ako ksi kapag magrequest ka pabalik balik pa. pero depende pa rin sa clinic na pupuntahan mo kung nanghihingi sila. sakin kasi sa hospital kaya di ako hiningan.
Try mo po magsabi kay OB, mommy. Pero depende rin po pala sa clinic na magsasagawa po ng ultrasound. May mga clinic po kasi na pwede ang walang utz request galing kay OB, kumbaga walk in po. Twice ko na pong nagawa yun.
pwede kang magpaultrasound kahit walang referal.. dito sa clinic sa pampanga pwede, ob-sono yung nag uultrasound, bale sasabihin mo lang na para makasure ka before ka pa-check up (kunwari) tapos papayagan ka na
ako naman ay binigyan ni OB ng referral for ultrasound kasi di pwede na wala. Si OB talaga ang nagsabi sa akin na magpa ultrasound ako ng 14 weeks ung tummy ko kasi ung TVS ko ay 7weeks palang noon.
usually need yung referral. you can use doppler to check din for heartbeat. pde ka rin wait onti and hingi request magpa ultrasound around 14/15wks pra may chance makita na gender ni baby.
okay lang kahit walang referral. ilang beses din ako before nagpa utz ng walang referral
ako momshie humihingi ako ng ultrasound request which is ok lng
Anonymous