Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Các câu trả lời

Ang sakin naman, ganyan rin nun mag 2weeks ko nalaman na buntis ako kase di na ko dinatnan nun then nag pt and naging result is positive. Hindi ko alam gagawin ko nun natatakot ako na ewan. Then sinabi ko sa tatay ng baby ko na buntis ako. Nung una ayaw niya maniwala ayaw nya tanggapin na sya yung tatay. Gusto nyang ipalaglag bibili daw syang gamot, so sabi ko sige pag naipadala mo papalaglag ko to. nagkataon nasa ibang sya nagtatravel nun kaya nung nagpadala sya ng medicine galing pa ng ibang bansa. Nung dumating yung gamot sobrang bigat sa pakiramdam kase akala ko kaya ko pero hindi ang ginawa ko tinago ko yung gamot, ilang araw nagchat sakin yung tatay ng baby ko tinanong nya ko kung ininom ko ba, sabi ko hindi ko iinumin yung gamot bubuhayin ko yung baby. Then nagalit sya sabi nya wala na daw syang responsibilidad kase napadala nya na yung gamot. Sabi ko okay, pabayaan mo na lang kami magpakasaya ka at sana kayanin ng konsensya mo. Tapos ayun isang buwan kaming di nagkausap. Nung nagpa ultrasound ako, nung narinig ko hb ni baby nakaramdam ako ng sobrang galit nun sa tatay ng baby ko, pagkauwi ko galing hospital sinend ko sa kanya yung pic ng ultrasound. Sabi ko, hindi ko sinend to para pwersahin kang panagutan to o istorbohin ka sana makayanan yan ng konsensya mo habang nagpapakasaya ka. Then nagalit na naman sya ibloblock nya daw ako (which is di nya naman ginagawa ilang beses nya yun sinabi) block nya daw ako pag nagsend pa ko ng ultrasound ulit sabi ko naman, "do it now" then may mga sinabi pa sya after nun pero di ko na sya nireplyan nun sineen ko na lang sya kase wala na ko balak makipag-usap kase di na ko umaasa na magsusupport man lang sya. Pero after few hours nagmessage sya na sabi nya susuportahan nya daw yung baby. So syempre sabi ko "Okay". After nun, 1month ulit kami di nakapag-usap. After a month nag message sya ulit kinukumusta nya lagay namin ni baby tapos tinatanong nya yung gender ng baby, that time di ko pa alam gender ni baby. Sabi, message ko daw sya pag alam ko na so ayun after a week nag pa utz ako then girl si baby. So syempre sinabi ko sa kanya. (Shortcut marami pa kami convo after😂 Last week nagmessage sya ulit mahigit 1month din kami di nakapag-usap ulit e. Hinihingi nya yung account# ko sa bank, nanibago ako kase ang dami nya ng tanong about kay baby kinumusta nya na si baby. Tinatanong nya kung anong sabi ng doctor tungkol kay baby, then gusto nya isend ko yung picture ng recent utz ko, which is dati galit na galit sya. Sabi ko kaso 2D lang yung utz ko di mo rin makikita ng maayos sabi nya "Its okay, just show me" so ayun sinend ko. Then minark nya pa yung head ng baby sabi nya "Its her head?" sabi ko naman "maybe" malay ko ba di rin ako marunong tumingin ng 2D utz eh😂 Sabi ko maybe nextmonth mag utz ako ng 3D para mas kita yung face ni baby then nagulat ako tinanong nya kung magkano ung 3D. Tapos kinabukasan sabi nagdeposit sya ng pera sa account ko sabi ko bakit? ayun nga daw pambayad ko raw sa utz, nagulat lang ako kase ang usapan namin magbibigay na sya pag lumabas na si baby tsaka malaki din kase yung amount na binigay nya sobra sobra yun pang utz. Tapos dapat daw sabihin ko sa kanya lahat mga nangyayare kay baby para alam nya. So ayun nga ngayon okay kami pero hindi ibig sabihin nun na magsasama kami ang importante is naramdaman ko na love nya si baby at di nya pababayaan. Sabi nya pa pupunta sya dito this year para magkita kase may contract kami na ginawa about sa support nya kay baby. Ang nakakatuwa pa dun sya pa nagbigay ng name ni baby mas excited pa sya sakin magbigay ng name, e ako nga wala akong maisip😂 (Kaya po may english yung convo kase foreigner po tatay ng baby ko.) Ang ginawa ko lang naman is pray ako ng pray kay God na sana buksan nya yung isip ng tatay ng baby ko, pinagpray ko talaga na sana magbago isip nya na maisip nya rin yung baby nya. Which is ngayon ramdam ko na sinagot at dininig ni God yung prayers ko. Kaya mommy pray lang po ng pray malay mo rin diba? Always fighting lang. Sensya na napahaba ang kwento. Haha

𝙿𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎, 𝚠𝚊𝚐 𝚖𝚘 𝚒𝚙𝚊𝚕𝚊𝚐𝚕𝚊𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚝𝚊. 𝙺𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚢𝚊𝚠 𝚗𝚒𝚢𝚊, 𝚠𝚊𝚐 𝚗𝚒𝚢𝚊. 𝙷𝚊𝚢𝚊𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚢𝚊. 𝚆𝚊𝚐 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚕𝚒𝚝𝚒𝚗. 𝙽𝚞𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚋𝚞𝚗𝚝𝚒𝚜 𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚔𝚘, 𝚖𝚒𝚡𝚎𝚍 𝚎𝚖𝚘𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜 𝚍𝚒𝚗. 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔𝚏𝚞𝚕 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚊𝚖𝚒 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚝𝚗𝚎𝚛 𝚔𝚘. 𝙰𝚝 𝚏𝚒𝚛𝚜𝚝, 𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚋𝚑𝚒𝚗 𝚘 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚔𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚍𝚒𝚍𝚒𝚜𝚊𝚙𝚙𝚘𝚒𝚗𝚝 𝚜𝚒𝚕𝚊. 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚊, 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚝𝚒𝚝𝚒𝚒𝚜 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔. 𝚂𝚊 𝚞𝚗𝚊, 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚐𝚊𝚕𝚒𝚝 𝚢𝚊𝚗 𝚜𝚒𝚕𝚊. 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚙 𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚔𝚊𝚜𝚒 𝚊𝚙𝚘 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚢𝚊𝚗, 𝚎𝚑. 𝚂𝚊𝚋𝚒 𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚒𝚕𝚊 “𝚖𝚊𝚜 𝚖𝚊𝚜𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚙𝚘 𝚔𝚎𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚗𝚊𝚔“ 𝚊𝚑𝚎𝚎. 𝚂𝚊𝚋𝚑𝚒𝚗 𝚖𝚘 𝚗𝚊, 𝚔𝚊𝚜𝚒 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚙𝚊𝚗𝚜𝚒𝚗 𝚗𝚊 𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚒 𝚖𝚊𝚖𝚊 𝚖𝚘. 𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚙𝚊 𝚖𝚊𝚗 𝚍𝚒𝚗 𝚜𝚒𝚗𝚊𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚗𝚊 𝚗𝚒 𝚖𝚊𝚖𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚞𝚗𝚝𝚒𝚜 𝚊𝚔𝚘. 𝙸𝚝𝚞𝚕𝚘𝚢 𝚖𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚋𝚞𝚋𝚞𝚗𝚝𝚒𝚜 𝚖𝚘. 𝙺𝚊𝚢𝚊 𝚖𝚘 𝚢𝚊𝚗. 𝙻𝚊𝚔𝚊𝚜 𝚗𝚐 𝚕𝚘𝚘𝚋.

TapFluencer

Hi, I am Ley Reinares-Almeda and I am an ex single mom now a happy wife to JB, mother of Addy (11 years old) Arriana (4 years old) and Amanda (1 year old), and a daughter and servant of God. Mahaba sasabihin ko Sana basahin mo. I was a single mom for seven years before finally tying the knot with my best friend JB last 2016. I met Jb when Addy was two years old. I believe he is my answered prayer. He is my TOTGA, no, not the one that got away BUT the one that God allowed. I have a single parent support group at The Parenting Emporium. Some people even asked me why do I have to do this? I am married already anyways. I want to be there for those who doesn't have any support system. I want to be #WounderHealer and for those who are on that boat, I want to tell them how to #choosetobebrave and #chooselife To know more about my story and why I do this, please see below https://www.leyalmeda.com/blog/2019/3/26/anc-mukha-anghel https://ph.theasianparent.com/ley-almeda To answer some of your specific question: Let your family know. You need a support system. Normal na magalit sila but Hindi ka nila matitiis lalo.na. pag andyan na si baby. Only child ako and sobra na heartbroken magulang ko. But nun lumabas Ang anak ko. Spoiled sa parents ko. Focus on your baby. Dugo? 11 weeks may heartbeat na sya :) nakapag pacheck up ka na ba? If not pacheck ka na. Kahit sa barangay health center muna. Para nabigyan ka NG vitamins.

You can pm me if need mo NG kausap.

VIP Member

Kame ng jowa ko 1month palang at nabuntis nya na ako 😁,. Mix emotion din ako nun.. pero iniisip ko na 1month mahigit palang kame baka di nya tanggap ung baby namin.. sinabi ko sa kanya agad un at sinabi ko sa isip ko pag may sinabi kang di ko magugustuhan lagot ka tlga sa akin.. di din ako umaasa na tatanggapin nya kasi nga bago lng kame lahat ng negative na mangyayare tinatanggap ko na sa sarili ko.. pero baliktad ngyare.. nagulat sya noon di ko muna sya kinausap hinayaan ko sya mag isip di ko sya inaway o pinush n anak mo to panindigan mo.. 2days nun okay na nmn sa kanya tanggap nya mahal na mahal nya baby namin.. Dapat advance ka mag isip at hayaan mo ung problema dahil makakaya mo islove yan mag isa pero wag mong iisipin na mag isa ka lng jan si God ang family mo.. lage ka mag ppray sa lahat ng gagawin at disisyon mo.. wag mo na isipin ung lalaking ayaw nmn panindigan ung ginawa nya.. mabubuhay ka nmn kahit wala yan ee.. strong kaya tau mga girls may baby ka at yan ang mas mahalaga sau.. gift yan sau ni lord.. tatanggapin at tatanggapin yan ng magulang mo syempre sesermunan ka muna nila pero after nun wala na din ee.. mamahalin din nila yan..

same situation tayo sis. hindi rin ako pinanindigan ng bf kong walang puso. since Day1 na nalaman niyang buntis ako, bigla xa naglaho. gusto nia ipalaglag kasi ayaw nia ng responsibilidad. ayaw pa daw magkababy eh 30+ na xa. iniwan na lang ako bigla, walang moral or financial support. mataas din expectation ng parents ko sakin, dalawang buwan ako naglihim sa kanila kasi ndi ko alam kung ano sasabihin ko. dat time gusto ko na magpakamatay. ang hirap, ang sakit tanggapin na walang magiging ama si baby. ang sakit tanggapin na kahit financial support man lang e wala. hindi ko kasi makasuhan dahil ibang lahi xa, ang daming proseso, andami o anlaki ang magagastos. hinayaan ko na lang. nanganak na ako nung Feb. love na love xa ng parents ko.. minsan naiiyak pa rin ako kasi walang ama si baby. xaka after few months need ko maghanap ng work at mawalay kay baby para sa future nia. nagresign kasi ako sa work since buntis ako, kaya ang hirap din.. patuloy pa rin ako nagpipray kahit na nakakatampo kasi ndi nangyari yung lagi ko hinihiling kay God na sna maikasal ako sa tamang lalaki before magkaanak.

Keep the baby. You'll never know if yan lang ba ang chance na binigay sayo ni Lord para maging parent ka.. baka wala ng next time? Who knows?! Walang ibibigay sayo na problema na hindi mo kakayaning dalhin. 😉 2nd... mahirap makipag relationship sa taong super seloso. Seriously, isa siyang mental disorder na need niya gamutin. Or else, hindi magiging masaya buhay mo... para ka prisoner sa mundo nya. 22 ka pa lang... Kaya mo ba tanggapin na ang ssunod na 70 years ng buhay mo is ganyan? Laging pinag dududahan? Much worst baka eventually umabot pa sa physical na sakitan? PS. Sobrang swerte mo kasi nasa 11th week ka na.. ako? On my 6th week. And wala ako ibang wish na sana may fetus ng makita sa next ultrasound ko. Makita ko lang tumitubok ang puso ng baby ko... sobrang ikakasaya ko na yun. 2nd baby ko eto.. 1st ko early miscarriage. 6th week din nung nakunan ako 3 years ago. So isip ng mabuti :)

Hi momshie! 1st good job ksi di mo tinuloy ung pagpalaglag. Sana huwag mo ipagpilitan sarili mo sa taong ayaw sau or let say walang tiwala sau. Alam ko mahirap kasi single parent din ako soon. Alam ng bf ko dati na buntis ako pero ayaw nya panagutan sabi pa nya sa akin palaglag daw namin kasi dugo pa lang daw pero di ko ginawa sabi ko sa kanya paputol nya titi nya kasi duwag xa. Ngayon gusto nya bumalik at nagtatanong xa about my baby pero never xa makakabalik sa akin to the point na naisip nya palaglag ung baby.. di natin sila kailangan momsh, ang kailangan natin suporta ng pamilya. At 1st nagalit mga brothers ko pero pinaintindi ko sa kanila at sinabi ko ung totoo awa ng dios natanggap naman nila excited pa nga sila eh... kaya ikaw moms sabihin mo na sa pamilya mo habang maaga pa at kailangan mo suporta nila. Mahirap at masakit pero dapat mo kayanin for ur baby.😊

Sis I'm also 22 years old and nag resign din sa work dahil sa distance and para narin Kay baby. The time I knew na buntis ako. I wasn't happy Kasi bago pa kami ng bf ko and sinusuportahan ko Ang family ko. At first supportive si bf until nag hesitate na siya Kung siya ba talaga ang ama. Ilang besis na niyang gustong maghiwalay dahil din sa selos na walang proofs. Minsan naiisip ko nalang he's just doing this silly jealousy thing para maka takas Lang sa responsibility. And every war namin naiisip ko talagang IPA laglag. But I never did. Until I had my first ultrasound tapos may heartbeat na si baby. It was a mixed emotion. Anjan Ang takot but umaapaw Ang saya na Hindi ko maipaliwanag. I'm now 14th weeks pregnant and so excited so see my baby. Hindi ko pa nasabi sa parents ko but I know they will accept. Always be positive sis with or without him. 💗

Labaan Lang Tayo sis 💗💗 God has greater plan.

Sis. Ituloy mo yan ! Hindi ibibigay ni God ang ganyang pagsubok sayo kung di mo kaya. Ituring mong malaking blessing yan sayo dugo't laman mo yan. Matatanggap ng family mo yan dahil unang una di ka naman nakapatay ng tao or what. Dahil nabuntis ka lang naman. Nakakabilib ka dahil di mo tinuluyan ipalaglag si baby. Sa parents mo humingi ka ng sorry sa knila sa pagkakamali mo at makita lang nila na nagsisi ka sa ginawa mo mpapatawad ka din nila. Pero always remember na blessing yan anghel yan ❤ Paglabas nyan ni baby, mapapawi lahat ng pinagdaanan mo at yun ama nyan magsisisi yan. Maiisipan nya din ang lahat sana mag matured na sya at matuto pahalagahan ang isang responsibilidad at wag tanggihan. 😊 Lukso ng dugo uso yun mraramdaman nya yun . Manhid man sya or what ay mararamdaman nya pa din yun. ❤

I'm also pregnant. 21 yrs old pa lang ako at 5 months na tiyan ko. At first tinago ko din until 2 months, ang sarap sa feeling na pagnasabi mo na, kasi una sa lahat family mo lang makakatulong sayo. Ang case ko naman ayaw ng family ko sa boyfriend ko, tho papanagutan naman ako kaso yung boyfriend ko masyadong tuta ng family. Sa sobrang inis ko, mas gusto ko pang palakihin anak ko ng mag isa. Pag Ina ka na mas iisipin mo na lang talaga anak mo. Wag mo na pansinin mga negativity sa paligid, isipin mo ang anak mo. Gusto ko din magpakamatay noon dahil sa kahihiyan na nabugya ko sa pamilya ko since galing ako sa kilalang family. But then, they will accept you. Inisip ko na lang talaga anak ko and that's what made me strong. ☺️ Laban lang and kay Lord ka lang sumandal 🤗

Câu hỏi phổ biến