Hi Mommy.. Nurse din ako since 2008 pa.. Pero nag goodbye muna din ako sa career ko.. mas nagfocus muna Kay panganay nung 2015 then after 4 years nagbalik loob din Pero as Company Nurse na ... tapos nag buntis ulit Kay 2nd baby at eto nga nag give up ulit sa pagiging Nurse.. mahirap kasi kelangan may igigive up ka talagang Isa.. kahit gusto natin ang work natin syempre mas pipiliin natin ang mga anak natin. tulad nga ng Sabi minsan lang sila bata.. salute din sa mga nasa Medical fields at nasa ibang bansa na kaya isakripisyo ang pamilya kahit alam natin nakakadepress yan hindi nila kasama mga anak nila... Napag usapan din namin kasi ng husband ko eto.. iba kasi career niya siya IT naman at gusto niya mag hands -on muna ako sa mga anak namin dahil pareho kami naniniwala na iba pa rin kung ang nanay talaga ang mag aalaga sa anak.. kapag ready na at pwede na medyo malalaki na mga anak namin saka nalang daw ako mag decide kung magbabalik pa ulit sa work..
same as me mommy. Yun nga lang nag full time mom na lang ako sobrang gusto ko na bumalik sa hospital pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw pa din yung anak ko minsan lang sila maging bata at gusto ko ma treasure yung mga oras na ako kasama nila sa bawat achievement nila. Syempre madaming sacrifices ang kailangan pero okay lang as long as Masaya ako at Masaya anak ko why not. kaya salute ako sa mga working mommies dyan! laban para sa family 💕
I'm a nurse din living outside PH. Nagstop ako magwork nung second tri ko na kasi nahihirapan na ako. Napag usapan na din naman namin ng husband ko na titigil na muna ko since mgkakaanak na kami. Kaya naman ng sweldo nya na mabuhay kami comfortably. Gusto ko din kasi na hands on sa anak kasi minsan lang sila maging bata.
I agree din po kay mommy Callie. Once lang dadaan sa stage ng pagkabata ang mga anak natin and ang panahon hindi naman na yon mababalik. Mahirap po talaga yung sakripisyo pero as mothers, we always choose and go back to where our heart is—our children and families. Saludo po kami sayo!
oo naman sis if mahirap tlaga work ng nurse or any medical profession. Ang anak minsan lang sila bata kaya nga mas mainam tlaga na mag jnvest ng time/moment with them kasi it really help sa child development nila. Kung financially kaya naman why not diba.
Im torn between babalik as OFW as nursing aide or maghahanap nalang ng trabaho locally hirap kahit nd kalakihan ang sweldo. Parang ang hirap iwanan ni baby😢
Being a mother is selfless. Mabilis lang naman yan. mapupursue mo din yan.