Natural lang Po ba Ang mag suka Araw araw
Gillian Martha Sumayod
yes, lalo na kung 1st trimester ka pa lng. ako naospital pa ko dahil sa humina na katawan ko walang gana kumain.kakasuka nagasgas na rin lalamunan kaya may kasamang dugo na suka ko hirap na hirap ako nung 2months ko. pero ngaun patapos na ko sa 1st tri ko bumalik na sa dati ang gana ko sa pagkain di na rin nagsusuka lagi nang gutom☺️ first time mom here☺️
Đọc thêmYes. 1st tri. Is the worst wala ka ng gana kumaen tas pag kakaen ka ng gusto mo isusuka mo lang ang ending lost weight ka. Im happy kase nsa 2nd tri na ko di na ko masyado nasusuka. Pero ang kain ko ng rice 1 cup lang mas madami pa kumaen ung baby boy ko na 3years old.
ako nung 1st hanggang 4mos puro suka na lang halos di na ako makakain lahat ng amoy at lasa ng pagkain ayaw ko.. pati niluluto ng kapit bahay bwesit ako haha.. khit tubig ayaw din.. pero now puro food na.. 31 weeks preggy here
yes esp po if nasa 1st trimester pa lang po kayo.. iba iba ang duration po nyan. ako po til 17weeks may pagsusuka pero nalessen na. peak weeks po yung 6-10weeks. pero by 11-12weeks. di na araw araw o oras oras...
Nasabi po ng OB ko normal lang. Lalo sa first trimester. May ibang buntis po kasi tlaga na sensitive. Tipong iinom lang vitamins, naduduwal pa. Parang ako 😂 Nung 1st month ko tlaga, miski tubig naduduwal ako.
Yes actually iba iba sis, ako sa first baby ko last trimester na ko nagsusuka. Pero dito sa second baby ko naku super selan ko. 24weeks and 4days na ko pero super pa din ang suka at morning sickness ko
First tri po usually. Yung sakin nung 11 weeks ako medyo humupa tapos 13 weeks wala na talaga. Hindi ako masyado suka ng suka nun, pero yung pagduduwal ko grabe pati hilo at sakit ng ulo.
yes Po normal lang Yan pag maselan Kang magbuntis.ganyan din Po Ako sa First baby ko na Hindi Ako makakain kaya kung ano lang gusto ko Yun lang kinakain ko.Hanggang 5 months Po Ako non.
Yep lalo 1st tri. Di ako totally nagsusuka pero duwal ng duwal kada iinom mga vitamins or may naamoy na di gusto. Pagdating ng 2nd tri nawala parang magic hahahahahaha
yes lalo na sa first trimester. may mga maselan pong magbuntis. ung iba nmn Po wlang suka2 thing. pero malessen or mawala Po Yan sa 2nd trimester.