102 Các câu trả lời
Para sa akin, 2 yrs old pa lang ang bata dapat ay hindi sya pahahawakin ng pera at kung mg umpisa na syang mag aral ay dapat pagkain and dapat niyang baunin sa school instead sa pera, in that point hindi cya masanay sa pera... Iyan kase yung natutunan ko sa amo ko sa hongkong, yung mga bata dun hindi nila masuadong mapahalagahan ang pera at kung sino mn ang mgbigay sa kanila nun, itago nila sa kanila money box at ibili nila ng laruan o damit kung marami na silang naipon.
Siguro sisimulan ko by introducing him sa simple ways of saving and wisely spending. Pwedeng ipakita ko sa kanya ang kagandahan ng pagiimpok sa alkansya, ang importansya ng sukli na pwedeng itago at magamit pa sa susunod na pagkonsumo gayunrin, ang di basta-basta pagbili ng ano mang bagay na makita. Mga simpleng paraan para rin mas achievable kay baby at sa aming pamilya. Sa ganitong gawain, buong pamilya ay mas matututo na magtipid at maging WAIS! :) #WaisTips4Kids
Simula Ng bilhan ko Ng alkansya Ang kids ko Natuto Silang magtipid , everytime na umuwi Sila galing school, inihuhulog nila ito sa alkansya.. kitang kita ko Yung tuwa na,, actually nagpapadamihan Sila😁 Isa pa sa itinuro ko is huwag ipilit Yung gustong bilhin Lalo na kung Hindi Naman kailangan and I'm very happy na Hindi ko naranasan na may umiyak o nagwawala kapag bumibili kami sa mall or grocery stores. inexplain ko sa kanila Ang wants sa needs.. #WaisTip4Kids
Tip para maturuan kong maging wais sa pera ang akin anak. Unang una kailangan ng Disiplina. Bilang isang nanay responsibilidad kong disiplinahin ang aking anak at sa pamamagitan neto ay matuturuan at mapag sasabihan ko siya ng maayos. Dito na papasok ang pagturo ko sa kanya kung paano maging wais at tipid pagdating sa pera. Disiplinahin ang sarili na kung ano ang mga importanteng bagay muna ang kailangang unahin na bilhin. Needs over wants ika nga. #WaisTip4Kids
At a young age dapat matutunan ng mga kids yung importance and value ng hard earned money. Yung difference ng need sa want. Yung too much and yung sa ok lang. Dapat aware na din sila sa mga bagay na ganyan lalo na na naeexpose sila sa mga videos about toys and other stuff na nabibili ng ibang kids kasi they might think na it is normal. Yung bili ka lang ng bili ng toys. Saying no in a kind and respectful way din to the kids will help them understand.
para sakin matuturuan natin ang ating mga anak kung paano humawak ng pera sa pamamagitan natin. kailangan natin maging ROLE Model sa ating mga anak. Kapag gastador tayong magulang marahil ay magiging gastador din ang ating anak. Dahil kung ano ang nakikita nila sa atin, yun ang gagayahin nila. At kung matipid tayo at magaling humawak ng pera, magiging matipid at wais din sa pera ang ating mga anak ♥️♥️♥️♥️ #waisTips4Kids
#WaisTip4Kids My panganay is going 3 years old now.. as a mama of him.. I'll make sure pag dating sa pera tinuturuan ko na sya maghulog sa alkansya nya kahit barya barya lang ng sa ganon habang bata pa malaman na nya ang value ng pera. Pagbinibigyan sya ng 1peso ng lolo't lola nya automatic na sa kanya kung San ilalagay ang 1 peso.. kaya matutuwa ang magulang ko sa kanya kasi bata pa alam nya na kung san dapat ilagay ang pera. 😀😍
Same from what my parents done, from the very first start ng journey ng anak ko sa schooling, will give him/her a weekly allowance, para matuto siya ng tamang pagbubudget. Anything na sobra can be kept as his/her “emergency fund” or can be alloted for anything he/she wishes since its their money na. Maganda na habang bata pa, ma-train na natin nang tamang pag-manage ng pera nang sa ganun maging wais sa paggamit nito. #WaisTip4Kids
Be a good example at turuan ang kahalagahan ng pag iipon and @ sa 6 yrs old kong anak meron po syang alkansya everytime na nagkakapera sya twing may nagbibigay hinuhulog nya agad sa alkansya nya at pag may sobra sya sa baon nya sa School hinuhulog din po nya sa alkansya hndi nya ibinibili kc dahilan nya may food naman syang baon,hndi rin po kc namin sya sinanay sa pera kaya hndi po sya mahilig bumili sa tindahan. #WaisTip4Kids
habang bata pa turuan na agad mag impok . i have a child one year old palang and as early as that tinuturuan ko na sya mag hulog sa piggy bank na maliit , and i always tell him kung para saan yung laman ng piggy bank nya .. ☺️ and im happy na sya din naghuhulog ng barya nya sa piggy bank nya , para matatak sa utak ng mga anak natin na dapat pag may gusto ka fapat pag ipunan mo . and i thank you 😍 #WaisTip4kids ☺️😅