Georgianne Louise
EDD: Feb 6, 2020
DOB: Feb 15, 2020 5:50 PM
3kilos via NSD
Started my labour journey at around 4AM. PROM case. nagising nalang ako na naggush na ung panubigan ko. ang dami. nagprep nako tapos ginising ko na husband ko bago kami papuntang ospital. pagkaIE 2cm palang pero inadmit nako. wala pa kong maramdaman na any pain. tuloy tuloy ung pagleak ng bag ko.. ininduced nako at around 10AM. ayun na ung pinakamahirap na experience. every 2-3 minutes ung tinarget nilang interval ng contractions ko at sobrang sakit. lahat ng taong lumalapit sakin hinahawaka. ko ung kamay at pinipisil sa sobrang sakit. 6-7 hours ako naglalabor hanggang mga 5 PM pagka-IE 5-6cm palang nagmakaawa nako sa anes ko na binigyan nako ng epidural.. after ng induction.. mga around 5:30 di na humohilab tyan ko pero ang nararamdaman ko nalang ung urge na tumae. every 3 minutes, para kong natatae ng sobra then iniire ko na.. pagkaIE sakin fully dilated nako.. andaming nakasuporta sakin na mga staff habang nagpupush.. after 6 push lumabas na si baby. Sobrang ginhawa at sarap sa pakiramdam. Naluha ako sa saya nung pinatong na sa dibdib ko ung anak ko.
Waiting nalang kami madischarge.ang hirap kumilos at nagkahemorroids ako ng malala. mas masakit sya kesa sa tahi ko..feeling ko tuloy lagi akong najejebs pero sobrang sarap sa feeling na finally nakaraos din. ? thank you Lord.
April Allison Trasmonte