Postpartum

Ganito ba talaga pag first time mom.. Ang hirap pala talaga maging nanay 😭 natural lang ba sa baby ang hindi nagpapatulog sa gabi? 10days na baby ko. Naiiyak nalang ako kasi di ko alam gagawin ko pag umiiyak sya at pag hindi agad nakakatulog. Gabi gabi rin akong puyat 😭#firsttimemom

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

So far sa akin d cxa iyakin pg datin namin sa bahay kc 6 days kami sa ospital taas ng dugo ko.gising cxa mga 12 am gising at Dede cxa tapos 2am ang next.kakapagod cxa pg first kc galing sa ref ang pump milk tagal uminit.

Thành viên VIP

Hi mommy laban lang po, iba iba po kase ang mga baby lalo na kapag newborn nag aadjust pa lang po sila from tummy to world try mo po ihele siya or laruin muna tapos sabayan mo po ng tulog mommy. Sending hugs po

Thành viên VIP

Hugs, Mommy! Mahirap sa umpisa kasi both of you are adjusting to each other, lalo na si baby na nag-aadjust din sa surroundings niya. Please find someone to help at night so you can also sleep.

Sobrang Hirap talaga. Ganyan din ako. Bigla akong Iiyak. Parang Naaawa ako sa Sarili ko then Maiiyak ka na lang sa Pagod. Iyakin din Baby ko & sobrang Hirap patulugin sa Gabi. 2 Months na po sya💙

2y trước

Nakakaiyak nalang talaga at nakakatulala 😔 hindi ko na alam minsan gagawin ko

ung mother ko Po medjo naloka pero thanks God kse nkapagrest sya then naging ok nmn na. I suggest sna Po may katuwang kau, or kahalili sa pag aalaga. u also need to rest mie.

2y trước

Tinutulungan po ako ng nanay ko kaso nahihiya din ako minsan magdemand sa kanya dami kasi nyang ginagawa kita ko yung pagod nya. Asawa ko naman nagwowork sa qc kaya sariling sikap talaga

dipende di pare parehas ang mga baby. kasi baby ko nung days old palang sya nun puros tulog sya, ako lang yung hirap makatulog nun. kung magising man pag nagugutom.

Practice kayo ng night and day minsan kasi nacoconfuse din sila na umaga pa kapag nakabukas lahat ilaw sa kwarto kahit gabi, gumamit lang kayo lampshade.

Influencer của TAP

yes mommy. normal lang yan. until 6 months ganyan. sa baby ko until 6 months dun palang sya nakapag adjust sa sleep nya. kaya mo yan

😅😅😅puyat is real po 14days din po baby ko SA Gabi sya gising tulog SA umaga droggy n din po ako kkpuyat😅😅😅

normal po yung 2nd baby ko umabot ang puyatan hanggang nag 1y/o siya eh tinanong kona din sa doc okay lang daw yun.