Tulo ng gatas
Ganito ba talaga basang basa damit ko lagi kakanak ko lang nung september 27
ang ginagawa ko momshy share ko lang, pag tumutulo na ung milk at tulog pa si baby pina-pump ko then store it then painom sa knya pag kagising niya (sayang naman ksi) then Im always wearing tube or brallet then lalagyan ko ng lampin sa loob to absorb the excess milk pra hndi nababasa ung damit ko or minsan I'm wearing spagetti strap kasi for me mas madali mag pa breastfeed pag un ang suot unlike pag t-shirt then lalagyan ko lang din ng lampin sa loob (no need bra). just sharing my #lifehacks #lifesaver for momshies like us😄💕
Đọc thêmGanyan talaga sa first months after manganak. Mareregulate naman sya later on. Ganyan din ako. Netong mag 4 mos si baby saka lang nabawasan leaks ko. Kaya dati nagsasapin ako ng ibang lampin ni baby para di mabasa ang damit ko. Tas nagpapump ako and store sa freezer para di sayang. Hehe. Yung disposable breast pads effective din sya. No leaks. 😉
Đọc thêmOpo ganyan din ako nun kaya mayat maya ang palit ng damit at habulin ng langgam. Advise ko lang moms gamit ka milk catcher lalo pag nakq latch sayo si baby ung isa gamitan mo catcher para hindi po sayang ung letdown milk. Pra makapag build ka agad ng milk stash
Yes mommy, ganyan din po ako before kaya ang ginagawa ko po pina pump ko yung milk ko pag tulog na si baby then gumamit ako ng breast pads kase sobrang aksaya sa damit kase maya't maya palit.
Opo ganyan din ako noon. Nagpapalit na lang ako agad ng damit para comfortable ulit ang pakiramdam ko . Gumamit po kayo ng milk saver sayang kasi ang breastmilk. Dami niyo breastmilk😊
wow pinagpala po ang breastmilk mo momsh hehe. akin di masyadong basa, mas maganda po ipump niyo po if di po naglalatch si baby para di sayang liquid gold mo po 😊
Yes, it means na abundant ang milk supply mo. You can use breast pads or milk catcher para di masyadong mabasa ang mga damit mo.
Ganyan din ako non nong bagong panganak ako until now pero dina gaano madame tumutulo dahil malakas na dumede c baby.
wow..buti ka pa andami mong milk momsh..ako kasi kunti lang kaya mixfeed ako ky baby,pump nyo po..sayang yung milk.
mommy ipump nyo po sayang ang milk, much better po yan para kay baby, ifreezer mo na lang kung hindi pa ipapadede.