Tama ba gagawin ko?

Galit sakin nanay ko dahil sa away ng asawa ko at kapatid ko. Di kami naguusap ni Nanay dahil dun. Since naka leave pa ako sa work buong araw lang kami ni baby at hubby sa kwarto. Kumuha ako ng yaya two weeks ago para sana mag alaga kay baby pag bumalik na ako sa work. Kakilala ng nanay ko yun. 4k lang sana ipapasahod ko sa kanya , tumawad si yaya ng 5k tutulong din daw sya sa bahay like luto and linis. So sabi ng nanay ko dadagdagan nlng nya 1k para 5k yung pasahod ni yaya. Pero since magkaaway kami ni Nanay. Halos di mahawakan ni yaya baby ko since lagi kami sa kwarto and I want to spend more time sana kay baby bago ko bumalik sa work. Kinausap ako ni yaya kanina. Nagtatanong kung ano ba talaga role nya . Sabi ko , Nanny ng lang baby ko! yun naman talaga e plus linis and luto since tumawad sya sa sahod nya. Nagsusumbong si Yaya sakin, masakit daw katawan nya kakalaba maghapon. Pinaglaba ng nanay ko , e ang dami damit ng mga kapatid ko so sasakit talaga likod nya. Sabi ko kay yaya. Di ko makakausap nanay ko tungkol jan kasi galit nga sakin baka sabihin pinagdadamutan ko na naman. Magkababata naman sila e so sila magusap. Nakakainis lang kasi magbabayad ako para may magaalaga sa anak ko pag wala ako tapos gagawin FULL TIME MAID ng nanay ko. Lalo naging tamad mga kapatid ko simula nung dumating si yaya. Solution ko sa problema is Umalis na lang kami nina hubby sa bahay KO! Yes bahay ko. ako nagloan nun e. tumulong lang sila konti sa DP. Kaso nakakapanghinayang if magrerent kami ulit ni hubby . Ayaw ko na ng gulo between me and Nanay pero never ending cycle na to e if di kami hihiwalay s kanila. Ayaw ko talaga kasama mga kapatid ko sa bahay lalo na yung mga may asawa na. Isasama ko n lang yung yaya ni baby just in case. Di ako masamang anak para paalisin sila sa bahay ko. Nakatulong naman sina mama sakin nung nakuha ko to e so sa kanila na lang di ko na sila sisingilin sa nagastos ko. Pero sila na lang din magtuloy ng monthly payment ng house loan.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me mas okay yan sis, bumukod nalang kesa lageng may kaaway sa loob pa ng bahay at pamilya mo pa. mas okay naring ikaw ng umiwas kesa mas lumala pa ang alitan. ang inaalala ko lang sis iiwan mo ang baby mo sa yaya mo lang kapag nakalipat at nag kawork ka na?

Thành viên VIP

Mahirap kase talaga kapag magkakasama kayo sa iisang bahay, kaya sa tingin ko tamang ikaw a yung distansya para iwas aberya