attachment
Nalulungkot ako at natatakot na baka mas maging close 3months baby ko sa yaya nya dahil lagi ako nasa work ? ayoko sana mangyari yun na mas maattach sya sa yaya.. Ano po ba dapat ko gawin? minsan pag ako nagaalaga kay baby pinipilit kuhain ng yaya kahit sinasabi ko na ako na ang bahala. D rin naman kami pwedeng walang yaya kc lahat kami sa bahay nagwowork at d pa ko pwede magresign ?.. Minsan naiisip ko na kasalanan ko pag mas hahanap hanapin nya yaya Nakakaiyak at ang sakit sa puso bilang nanay
Soon to be momma