Pagpapakasal

Gaano kaimportante ang makasal sa tatay ng mga anak mo? Umuwi yung tatay ng anak ko kaninang umaga galing sa trabaho at eto ang nakita ko. so ngayon hindi ko na alam kung talaga bang pumasok sya sa trabaho or nagcheck - in lang. Hindi ito unang beses na nagkaron ako ng issue sa mga kasamahan nya dahil dati ay nahuli ko na syang may kasama sa crew room nila at may ginagawang kababalaghan. Malambing naman sya minsan kaya lang paguwi galing trabaho ay puro laro na sa cellphone ang inaatupag. pag sinita mo naman, nagagalit. Pag naglalaro sya maghapon matutulog sya 6 pm na kahit ang pasok nya 10 pm. pag ginising ko sya laging galit na parang kasalanan ko pa na napuyat sya. Pag nagpapasama ako sa check up at natagalan, parang pagod na pagod sya at sinisisi sakin ang pagod nya. gagawin pa ko minsang dahilan pag di sya nakakapasok tapos maglalaro lang magdamag. wala syang sinasahod kakapili nyang umabsent sa trabaho. ako nalang gumagawa ng paraan para makaraos kami sa mga gastusin. nakakadepress lang. 10 years na kami tapos ni wala atang balak pakasalan ako. hindi ko na alam. :c P.S. yung pic ewan ko bakit hindi malinaw yung marks pero sa personal mas kita yung parang gasgas (pudpod ang kuko ng asawa ko at hindi din sensitive ang balat)

Pagpapakasal
35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me..nung una,importante sakin pero ngayong naaccept ko na sa sarili ko na hindi na talaga kami maaayos at hindi na talaga sya babalik pa?i realized na mas okay na bigyan ko ng masayang nanay ang anak ko kesa kumpletong pamilya na praning akong ina.

Most of men Kung nkukuha nman Ang gusto nila na di sila Tali sa girl mas ok. Pero sa situation mo na d pa kayo Tali e d mo na mpagkatiwalaan pano p sa susunod n taon. Kung worth it siya s puyat at kawalan ng peace of mind then go for it..

momsh may mga bagay na kailangang alisin lalo na kung hindi na healthy. pag isipan mo po kasi kailangan din ng tatay nung bata. nasa sayo pa rin po yun kung papano, kasi kung iresponsable sya at di magbabago, mas mabuti pang kayo nlang.

Baka sign lang po yan para mamulat ka kc ang partner ko naman halos dalawa na ang work nya pero iisa palang nman anak namin tapos pag uuwe nya mgluluto pa sya para samin mg ina at mglalaba halos 8yrs na din kami

Sis hind lang ikaw ang nakakaranas nyan buntis pako sis umuuwe ang aswa ko ilang minuto lang xang umupo sa bahy dadaretso na sa alakan kako sa isip ko ilang bwan nlang lalayasn kona sya atlist d nmm kme kasal

Thành viên VIP

Ay naku te.. Kaht d kau kasal kung tlgang mahal ka nia at wala syang balak magloko.. Dami naman po kasal jan na nagloloko parin asawa nla at naghi2walay.. Kaya mag isip2 din.. D na uso ang martyr ngaun..

Wag mo na iwish na pakasalan ka ng ganyang klaseng lalaki dahil magsisisi ka lang sa huli. Andami na red flags sa ugali nya.. don't think or expect na mababago yan if magpakasal kayo

5y trước

i agree.. pag tingin mo ay sakit at lungkot lang mabibigay nya sayo better na huwag nalang magpakasal.

Mga ganyang lalaki pag walang plano para sayo at hnd mag babago kht paulit ulit mo bgyan ng chances. Nakakasawa yan. Baby lng dahilan kaya sila nag i stay. Better to end and find what u deserve..

Ganyan din yung tatay ng anak ko hiniwalayan k kahit sobrang sakit eto na ako ngayon masaya na nabibigay k ang kaylangan ng anak ko nagagwa k ang gusto ko sobrang sarap sa feelig ng single

Naku, ate. Huwag ka mangarap ikasal sa lalaki na iyan. Ikaw lang kawawa niyan sa huli. Walang respeto saiyo tapos may mga ganyan pa. Aba putangina umalis kana tamad na lalaki yan.