Pagpapakasal

Gaano kaimportante ang makasal sa tatay ng mga anak mo? Umuwi yung tatay ng anak ko kaninang umaga galing sa trabaho at eto ang nakita ko. so ngayon hindi ko na alam kung talaga bang pumasok sya sa trabaho or nagcheck - in lang. Hindi ito unang beses na nagkaron ako ng issue sa mga kasamahan nya dahil dati ay nahuli ko na syang may kasama sa crew room nila at may ginagawang kababalaghan. Malambing naman sya minsan kaya lang paguwi galing trabaho ay puro laro na sa cellphone ang inaatupag. pag sinita mo naman, nagagalit. Pag naglalaro sya maghapon matutulog sya 6 pm na kahit ang pasok nya 10 pm. pag ginising ko sya laging galit na parang kasalanan ko pa na napuyat sya. Pag nagpapasama ako sa check up at natagalan, parang pagod na pagod sya at sinisisi sakin ang pagod nya. gagawin pa ko minsang dahilan pag di sya nakakapasok tapos maglalaro lang magdamag. wala syang sinasahod kakapili nyang umabsent sa trabaho. ako nalang gumagawa ng paraan para makaraos kami sa mga gastusin. nakakadepress lang. 10 years na kami tapos ni wala atang balak pakasalan ako. hindi ko na alam. :c P.S. yung pic ewan ko bakit hindi malinaw yung marks pero sa personal mas kita yung parang gasgas (pudpod ang kuko ng asawa ko at hindi din sensitive ang balat)

Pagpapakasal
35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi na po uso ang martyr ngayon. Kayang kaya naman nating mga babae ang magisa. Bakit pa magsstay kung wala namang kwenta mga lalaki. Puro pasarap lang alam. Mga punyeta!

Thành viên VIP

Kasal?! Wag nalang... Ngayon palang alanganin ka na sknya. Magiging tatay parin naman ng anak mo hindi na magbabago yun. Pero kung ganyan din naman hindi mo deserve yan.

Hindi importanteng makasal or makasama yung ama ng babies mo kung di naman siya deserving. Kasi sis ang pagpapakasal pang habangbuhay na desisyon yun.

Thành viên VIP

wag kana pakasal kung magtitiis lang aman habang buhay. stand on your own. ngayon nga na ramdam mo para kang mag isa lang. kakayanin pa na wala xa

Thành viên VIP

Once an pinagbuhatan ka ng kamay I physical na sinaktan ka sign na po un na Hindi na safe makisama. Once nagawa an niya posibleng maulit uli...

Wag m nag pakasalanan kahit alam naten na mahal natin sila mahirap mag bago ang mga ganyang lalaki papaluhain lng tayu ng mga yan

Thành viên VIP

May babae yan. Iwan mo na yan magsusuffer ka lang buong buhay mo kapag pinakasalan mo yan.

Mas okay pong wag na po ikasal. Wala naman po yan sa kasal o hindi. Nasa pagsasama po yan

wag ka ng pakasal ganyan lang din naman ang sitwasyon mu.,

Leave him. You are better off without someone like him.