Very responsible na Hubby
Ako lang ba? Pero di ako naiiyak dahil garapal naging asawa ko, pero naiiyak ako dahil napaka responsible ng jusawa ko. Every night pag natutulog sya tas halata mo yung pagod sa hilik nya dahil 12hrs everyday ba naman pinapasok nya para makapag ipon ng malaki naaawa ako kasi di nya na iniinda yung pagod, tas sasabihan ka pa nya na ok lang daw na umuwi sya ng pagod basta ako at ang baby bump ko ang nakikita nya mag ina nya daw. Nakakatouch lang kasi 3am gigising sya para pumasok aasikasuhin nya pa almusal ko kasi di ako pwede lumabas dahil madilim at delikado pa, pag uwi nya naman matutulog lang sya tas pasok na naman. Ewan ko ba pero napapasabi nalang ako ng ang swerte natin sa dadi mo anak❤️