Breastfeeding Milk
Gaano ba katagal bago lumabas Yung breastfeed milk? I tried mag pump wala pang lumalabas ee. 2 days na simula nung nanganak ako. Naka formula milk muna si baby. Ano ba dapat gawin ko? And, how long does it take?
Wag ka po muna magpapump wala pa tlaga lalabas nyan madidisappoint ka lang sabi ng pedia saka na mga 6wks pra d ka mag oversupply baka kasi magkamastitis ka. Unli latch lang po may makukuha siya nyan. Massage din yung breasts while nagwawarm compress. Sabaw po na may malunggay or papayang hilaw dw halo sa tinola.
Đọc thêmpa latch lng po ng pa latch kay baby. tandaan n s unang 3 araw ang lalabas ay colostrum w/c is konti lng tlaga un. ang sikmura ni baby is kasing laki lng kalamansi n maliit kaya s isang kutsarang gatas solve n sya.. akala lng po ntn walang lumalabas pag sinisipsip ni baby pero meron po un ndi lng po ntn nkikita.
Đọc thêmSa una po.kasi di oa.masyado.mrunong sumipsip.si baby eeh. Practisin nyo lng po meron dn yan or.kumain po.kayo masabaw na foods na may malunggay pampalakas ng gatas, ung ibang OB nman nirerecommend.ipasip daw sa hubby para lumabas ung gatas. 😅😊
Sa akin mommy, pinump ko tapos nung may unti na lumabas, yun pinapahid pahid ko sa labi ni lo para ma stimulate. Nung malasahan na nya nag umpisa na mag suck at nagsilabasan na gatas. Unli latch mo lang sya mom.
Sakin non sis 3 days bago lumabas. Warm compress mo lang, hilot hilot onti sa dibdib, ipalatch rin si baby and continue lang sa malunggay.
Mas maganda sana ma kung direct latch si baby. Iba padin kase pag pump lang e and mas magtutuloy tuloy ang milk pag unli latch si baby.
Ipadede kay hubby 😂 more pump, pero sakin after 4days pa lumabas e pump lang ako ng pump. Wag ka masstress kasi lalong di lalabas
Yung iba 3 to 7 days bgo tuluyang lumakas ung breastmilk.. Dpende din kc yan sa need ni baby, unli latch para masanay c baby..