Nahulog si baby @2months old

Hi! FTM here, sino po sa inyo ang nakaexperience na nahulog si baby sa kama or sofa, etc.? Naexperience ko sya kanina lang & as a FTM nakakatrauma 🥺 2 months old si baby turning 3months next week. Nahulog si LO sa sofa, mga dalawang dangkal ang taas mula sofa hanggang floor (tiles). Ang ipinagtataka ko is hindi ko naman sya sa pinakaedge ng sofa ibinaba & halos mga dalawang dangkal lang din ang pagitan namin habang inaayos ko stroller nya since ilalabas ko sana sya for morning walk. Hindi ko namalayan na nahulog na sya kahit ang lapit ko lang, kase wala namang kasound sound na pumatak sya or umiyak, nung nakita ko sya nakahiga lang sa tiles at palikot likot, hindi naman umiiyak, napaiyak lang nung nagulat siguro at napasigaw ako. Mga2mins na iyak nya after ko buhatin then after nung ang daldal na ulet parang back to normal. Hinawakan ko buong parte ng body nya to check kung san masakit habang naglalaro pero wala namang reaction I mean ang sigla sigla pa nya. I immediately contacted here pedia and nagtanong ng dapat gawin kase gusto ko na sya ipaCT scan sana 🥺 As per her pedia, pinacheck nya kung may external injuries ba si baby then nung wala she advised us to observe my baby for 6hrs kung magsusuka, irritable, dumugo ilong or any activity na hindi na usual ginagawa. So far dun sa 6hrs &up wala namang kakaibang pipakita si baby. Nagvideocall kami & pinakita ko si baby, as per her pedia okay lang naman daw si baby no need na for ct scan oara hindi daw kaagad maexpose sa radiation. Up until now hinahanap ko kung may bukol ba, pero wala naman ang sarap padin ng tulog nya. Sundin nalang po kaya namin si pedia? Kase okay naman daw si baby. Wala nung mga red flags kapag nahuhulog. Natatakot din kase ako na maexpose sya agad sa radiation if ever ipapaCT scan namin sana sya. Thankyou for taking your time reading this. Grabe lang din talaga yung trauma ko 🥺 Sana may time machine hayyyy

2 Các câu trả lời

I feel you po momshie.. nung 4 months pa lang din si lo ko nahulog sya sa kama. naiwan ko lang sya nun na natutulog. sobrang traumatic tlga kaya simula nun sa lapag na kami natutulog. mattress lang without the bed frame kahit ngayon 3 years old na sya. inobserve ko lang din sya nun at Hindi ko na pina check up. pero sa case nyo mukhang ok naman baby nyo based sa assessment ng pedia. tama sya na di dapat ipa CT scan kung Wala namang red flags since nahulog sya. basta make sure nyo lang tlga at mag double ingat sa susunod.

Hi mommy, nagkabukol po ba si baby nyo nung nahulog?

i feel you mii! kaka 3 mons lang din ni baby and iniwan ko sa 3folds na foam mga 2 dangkal lang din ang taas. partida nasa gitna c baby tapos nahulog xa bandang ulohan kakasipa good thing nalang talaga ee naiwan ko ung safety wrap ng perfume na nbili ko sa pinaglalagan nya. wala din ako nkitang bukol, and wala ding masakit sa katawan nya. nkita ko nlang din nkadapa na xa sa sahig umiyak din kc npasigaw ako sa gulat. bale inobserve ko din c baby within 48 hrs so far until now wala namn nging problema.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan