Flexing my unico hijo❤️❤️❤️ Best gift ever po sya samin ng hubby ko. I would like to share our story.
February 8,2019- ito yung day kung kelan ng c section ako sa aming baby dahil sa laki nya and at the same time ay suhi sya. Super excited kami sa aking panganganak. Lalo na ang hubby ko kasi first baby namin. First apo din sya dto sa family ko. Super bilis lang ng operation. Lumabas na si baby at super healthy nya. 4.05 kilograms sya. super laki na nya prang mga 2months na daw sabi ng ob at pedia ko. Yung hubby ko ang nagasikaso ng lahat. Until February 9 ng umaga.
February 9,2019- Ang aga nagising ng hubby ko pero alam kong puyat na puyat sya nun. Naligo sya para sya daw magdala kay baby para sa newborn screening. Ilang minuto na ang lumipas ndi pa rin sya nalabas ng cr until nung lumabas sya sabi nya napabagok daw sya..sabi nya sobrang sakit ng ulo nya..sabi ko kumain sya pinakain namin sya..sinuka nya lahat..hanggang sa may dumating na utility sabi nya dalhin na daw nmin sa Emergency room. Dinala namin sya sa ER at mdmi test ginawa sa kanya. Sabi ng doctor brain aneurysm daw sakit ng asawako. Hindi ako makapaniwala. The day after kong manganak magkakasakit ng ganun ang asawako. Dinala sya agad sa ICU para ndi lumala ang bleeding sa utak nya. Para akong mababaliw nung time na to. Gustong gusto ko syang puntahan sa ICU para makita pero ndi ako pinapayagan ng lahat dahil sa kakapanganak ko lang. Sobrang sakit ng mga pangyayari? Until the third day nung lalabas na ako pinayagan na ako ng mga nurse at doctor na makita sya.. awang awa ako sa knya.. dun sa ilong pinapadaan ang pagkain nya.. Sabi ko Diyos ko ano ba itong nangyyari. Sa halip na masaya kami uuwi mag-anak eh ndi. Umuwi kmi ng anak ko sa bahay nmin, samantalang inilipat ng ospital ang asawa ko dahil sa walang equipment yung ospital kung saan kmi sabay naconfine.
Sobrang hirap ng mga nangyari...napakalako ng nagastos pero worth it ang lahat. Iniluwas ang asawa ko para buksan ang utak nya at tanggalin ang aneurysm. Sobrang dasal ang aming inialay sa mahal sa Diyos para mging successful ang operation. At hindi kami bnigo ng Diyos. Ibinigay nya samin muli ang asawa ko.
Salamat sa Diyos at sa lahat ng tao na naging instrumento pra gumaling ang asawa ko. Sa ngayon po ay back to work na ulit sya bilang isang frontliners.
Thank you Lord sa lhat??