20 Các câu trả lời
USAPANG PUPU NG MGA SANGGOL Pagkapanganak ni baby, ang kulay ng pupu ay blackish-green ang kulay. Ang tawag dito ay meconium. Usually, dumudumi si baby within 24-48 hours pagkapanganak. Sa tulong ng pagpapasuso, ang meconium ay mapapalitan ng transitional stools, greenish yellow na medyo lusaw around day 4-5. Pagkatapos nito, ay mag-iiba na naman ang itsura ng pupu ng isang breastfed baby. "Parang binating itlog na may halong buto ng kamatis" (yellowish-seedy stool) - ito po ang pinakamadaling description ng pupu ng isang breastfed baby. If breastfeeding is going well, hindi po talaga siya mabubuo. Katunayan, medyo mamasa masa nga siya na meron kaunting laman. Ang normal na dalas ng pupu ng baby less than 6weeks old ay at least 3x/day. Minsan, mas madalas pa. Minsan, kada pagdede. Minsan may pahabol pa sa pag-utot. As long as umiihi din si baby ng madalas (>6x/day), hindi siya nilalagnat, siya ay happy baby at hindi nanghihina, ay hindi po siya nagtatae. NORMAL iyan. Pagdating ng 6 weeks old ng baby, medyo nareregulate at nagmamature na ang kanyang panunaw, o digestive system. Sabayan pa ito ng katotohanan na ang breastmilk ay EASILY ABSORBABLE, o madaling matunaw. Kaya magsisimula nang lumiban sa pagdumi si baby sa isang araw. Marami na ako naging patient na up to 6 days walang pupu. Some studies ng breastfed babies, up to 10 days walang pupu. 😁Nagpapanic na si Mommy, pero si baby, happyng-happy naman. Kung si baby ay dumumi naman within 24-48 hours pagkapanganak, anu-ano ang mga senyales na kailangan na siya ipacheck dahil hindi dumudumi nang matagal? 1. Pagsusuka 2. Paglaki ng tiyan 3. Pagiging Iritable ni baby(hindi mapatahan at all) 4. Hindi komportableng pag-ire 5. Hindi umiihi si baby 6. May dugo sa pagpupu. 7. Sobrang tigas ng pupu 8. Kulay puti na pupu. Kung wala kang matagpuan sa mga sintomas na ito, RELAX. Ok si breastfed baby. Lalo na at masayahin si baby, kumportable sa pag-tulog, kumportable sa pagdede, bumibigat naman at mukhang normal na normal, huwag ka na mapraning. Ipagpatuloy ang pagpapasuso. ========================== Ngayon, ibang usapan po kasi kapag FORMULA FEEDING si baby. Kaya po ako ay hindi nagrereseta ng iba't ibang formula. There is no single best formula milk. Ang nakakapagpatibi sa isang baby, ay maaaring nakakapagpaLBM sa ibang baby. In my own honest opinion, pare-parehas lang sila lahat, mapamura or mahal. Huwag ninyo nang habulin ang DHA/ARA (ibang usapan na iyan) para tumalino si baby. Kung nasa bahay lang naman po kayo at may gatas pa, magbreastfeed na lang po kayo. In my experience po, madami ang nagtitibi sa formula milk. Why? Ang Cow's Milk Protein content ng formula milk ang sanhi nito. Alam ninyo bang 4 ang tiyan ng isang baka? Kailangan ng baka ng 4 na chambers ng tyan para matunaw ang cow's milk. Imaginin ninyo po na isa lang naman ang tiyan ng tao. Kaya mas mabigat sa panunaw. Iyan din ang exact reason bakit busog ang baby ng 3-4 hours kapag nakaformula pero kapag breastfed, 1.5-2 hours lang, gutom ulit. Dahil mas madaling matunaw ang breastmilk kaysa sa formula milk. Kung hindi po dumudumi ang ating babies na nakaformula, tingnan ninyo po ang warning signs, para alam ninyo kung kailan kailangan nang ipacheck si baby sa doctor. DISCLAIMER: Ang post na ito ay guide lamang at hindi kailanman papalit sa harapang pakikipag-usap sa inyong personal na doktor. CTTO
mommy, meaning po ng "POOF" ay "an effeminate or homosexual man".. "POOP" po ang tamang word for tae.. ☺️ normal lang po yan mommy.. hindi po lahat ng tao ay regular tumae.. like po sa ibang adult, normal n irregular ang pagtae.. prang ganito yan mommy, kung hindi sapat ang kinakain mo, anong itatae mo? ganern po.. ☺️
Pagkabasa ko sa title talaga yung feeling ko tumigil ikot ng mundo ko sa sobrang pag intindi ko sa 'poof' sobrang nag loading utak ko eh. Sorry ha. Poop po kasi yan. Yung poof sound yang ng nawala.
Hi ma, yah it's normal. LO ko 1week minsan 10days di nagpopoop. But samin ng pedia nia it's normal as long na hindi sya feeling eritable. Walang sakit. It's normal. :)
its ok po mommy lalo pag breastfeed po si baby. kasi naaabsorb nya mostly ang nutrients ng milk po...worry po if aabot na 1week n di pa rin xa nagpoop.
Magtagalog na lang po tayo mga momsh kung di tayo sanay sa wikang ingles. Minsan nagiging komedyante tayo e. 😃 #Pooftopoop
Sorry po, naisip ko talaga poof, it became Koko Krunch! 😂 Pero normal lang po sa breastfed babies ang hindi mag poop up to 7 days. 😊
poop po ba mommy? breastfed po ba si baby or formula fed? tska ilang months or weeks na po ba siya? yung poof po iba yun sa poop.
ganyan din baby ko ngayon mommy 3 days na sya hindi nag popoop.5 weeks old pa lang sya normal sya lalo na sa breastfeed baby 🙂
poop po mamshie akala ko naman anong poof 😆 natural lang po iyan sa newborn tatae din yan si baby
Anonymous