Hospital or Lying in?
Hello. First time mom here, san po ba maganda unang manganak sa lying in or sa ospital?
Hospital. May mga cases na hindi kinakaya sa lyiny in. Minsan may mga complications kung kailan manganganak na. You have 9 months to prepare sa panganganak. Kaya wag nyo ho tipirin ang panganganak. Lalo kung first time mo.
dpende po kasi in my case 1st baby ko din sa lying in/clinic ng OB ko ako manganganak kasama din sya at binigyan nya assurance na in case pwede nya ako itakbo sa hospital na affiliated sya bali malapit lang dn kasi yun sa hospital
as long as normal ang pagbubuntis mo, okay naman sa lying in, irerecommend naman ng ob or midwife if need mo sa hospital manganak. ako based on experience, sa first baby ko sa lying in ako nanganak, wala naman naging problema.
First baby ko ngayon ipinagbubuntis ko and lahat ng lying in na pinagtanungan namin is nirerefer ako na sa ospital manganak. Di daw po sila tumatanggap ng first born kaya kailangan daw talaga magparecord na ko sa ospital.
first bby ko sa hosp khit public lng kung d kya ng budget ang private.. ntkot dn aq kc first tym manganak..pra pag ano nangyare nsa hosp n ind n need i transfer.maybe pag second third baby mas pwd na sa lying inn
advice Po Kase ngaun nang mga center na PG first Time mom at teenager ay Hindi pwede manganak sa lying in dapat daw Po sa hospital Kase Ang pwede Lng Po sa lying in Yung Hindi first Time mom
first time mom din po ako, sa lying in lang po ako manganganak dis september. bsta wala daw complications. irerefer naman daw nila ako sa hospital pag magkaron ng complications.
Depends sa lying in and if sino magbabantay sa course ng labor mo. Ang rule sa lying in if first baby and 4th baby pataas sa hospital po yan. High risk magdevelop ng complications.
firstime mom po aq kabuwanan ko na ngaun June ...dhil first baby ko ni recommend nila aq sa malaking hospital... dahil complete sila ng gamit at my edad na rin aq 34.frstbaby pa.
depende po kung san mo prefer momsh ako kasi lying inn lang normal delivery kung risky ang pregnancy mo sa ospital ka para just in case na magkaroon ng prob magagawan ng paraan