1st time mom
hello po san po mas maganda manganak sa Hospital po ba or sa Lying-in Clinic.
May mga lying in clinic po na tumatanggap ng first born child though OB ang magpapanganak sayo, hindi midwife. Sa sitwasyon ngayon, I decided na maglying in na lang ako kasi napaka safe kapag regular checkups. Halos wala akong kasabayan sa clinic and hoping na wala din akong kasabayan kapag nanganak na ako. It’s still your discretion and of course, status ni baby. Kapag sobrang risky ng pregnancy mo, it’s better to do it in the hospital para full equipped talaga. Unlike in hospital, pahirapan sa lying in kasi wala silang enough equipment for tests.
Đọc thêmI think both. Nag tnong tanong narin po ako sa friends ko, pareho naman maayos ang oanganganak nila, lying in man po or hospital, sguro nassnyo nlng din po yun, kse may mga hospital tlgang d ka aasiksuhn agd agd. Mag ttnong ka po dyan malpt snyo. Kung ok budget po y not hospitl. ❤
sa first bby ko lying clinic po ako nanganak at midwife po nagpa anak saakin at safe nmn po normal ko nailabas si baby at maayos at ngayon na 14 weeks and 5days n po ako buntis sa second bby ko sa,lying in prin ako manganganak sa san isidro st.margaret sucat paranaque
May mga PROs CONs hehe..Mas mura sa lying in pero what if nagkaroon ng emergency CS and bigla kailangan ay hospital set-up. Ang magiging kalaban ay TIME. Pagtransfer or paghanap na pwede tumanggap . Opinion ko lang naman po ito I'm not an expert. Peace hihi..
Pag maselan po or may issue sa pagbubuntis sa.hospital. pag normal naman po lahat ng lagay nyo ni baby. Sa lyin in kasi para kasama mo po asawa mo or kahit sino bantay mo habang nag labor ka..😊 lying in konti lang aasikasohin mo kesa hospital.
Mas maganda po sa hospital kasi may mga cases na hindi kaya ihandle ng lying-in. Dodoble pa po ang gastos nyo pag nirefer pa nila kayo sa tertiary hospital and pwede pa manganib ang buhay nyo ni baby.
Yung ob ko po may sariling lying in kaya dun na rin ako manganganak mas safe po sa ngayun ang birthing home kesa sa hospital hindi natin alam kung siño carrier sa hospital
Ang alam ko sis pag first baby dapat hospital eeh. Kasi ako din gusto ko sana sa lying in manganak kaso bawal daw kaya sa hospital ako manganganak.
Sa first pregnancy po Hindi na po inaallowed manganak sa lying in . Direct nalang po kyo hospital public po para hindi ganun ka pricey po
S sitwasyon ntin ngayon cguro maganda nmn n s lying in po but depende po s case nio po kasi alm ko hindi umaako ng ceasarian s lying in.
Dreaming of becoming a parent