PAGLILIHI

First time mom po ako,15 weeks preggy, ako lng ba ung bawat kain ko isusuka ko rin ung halos di na tlga ako makakain ng maayos ?normal lng po ba un ?nhihirapan na po kasi ako sa sitwasyon .please sana masagot ntatakot na po ako pra sa baby ko.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello mommy! ganyan din po ako nung bandang September, mga 9-10 weeks po ako nun. talagang sinusuka ko po kahit anong makain ko, maski tubig. 3 days po akong ganun. Sinasabi po sakin ng kapatid po ng partner ko na kumain pa rin ako nang kumain para may maisuka ako. kasi mommy, one time sa sobrang hirap na po ako magsuka, dugo na po yung nasuka ko at bile. Since doctor naman po siya, ang sinabi sa akin ay kumain daw ng crackers at uminom ng pocari sweat para bumalik yung electrolytes dahil madedehydrate daw po ako. at ang sabi po sakin, mag "small frequent meal" din po ako kasi kailangan ng katawan natin ng pagkain. Small frequent meals po mommy is onti ang kakainin at iinumin pero madalas po kayong kumain sa isang araw. Kumbaga parang hinati po ang 3 big meals sa 6 small meals. Ngayon po okay na ako at binabawi ko yung mga weeks at araw na sinuka ko noon at nung nawalan ako ng gana kumain. Pero mas mainam po mommy magpacheck up na rin po kayo sa OB niyo para masabihan po kayo ano po dapat niyong gawin

Đọc thêm

Ganyan din ako mi. :( May hyperemesis gravidarum ako. Sobrang selan sa pagkain, sinusuka kahit tubig. Madalas din ako magpreterm labor kahit 12 weeks pa lang ako. Sobrang high risk. Sinisikmura ka ba kaya mo sinusuka ang pagkain? Kung oo, kumain ka palagi pakonti konti ng crackers. Kahit ayaw mo, pilitin mo. Kailangan ng tiyan natin ngayon ng laman palagi, pero yung light foods lang. Nakatulong rin sakin yung kakain ako agad pagkagising na pagkagising ko. Hindi ko na hihintaying maramdaman ko sakit ng acid bago ako kumain. So far yan lang ang effective sa akin, maselan pa rin kasi ako sa pagkain at madalas pa pagsusuka. Anim na kilo na nabawas sa timbang ko. Tiyaga lang. At kumain ka pag wala kang sintomas masyado. Babawi ka lang talaga kapag may mga panahon na medyo okay ka sa pagkain.

Đọc thêm
2y trước

mawawala lng din yan mi..skin gnun 8x ako mahigit nasuka sa isng araw pero pag tongtong ng months nawala ..Kain ka marshmallow bka may ulcer ka Kaya Yan Ang cause ng sobra pagsusuka.dahil din sa acid reflux

same po halos ung first tri ko hnd ako nag gain weight pero mas okay pa nga daw po ung sken kasi ung iba nag bbawas tlga ng timbang kung nilalabas niu po agad ung kinakain niyo kain lang po kayo ng kain mas okay po na may sinusuka kesa wala po stay hydrated po lagi m . If sobra na po ang pag ssuka niyo at sa tingin niu ay hnd na ay nanghhina na po kayo better consult na po agad kay OB kasi hnd rin po maganda ang sobrang pag ssuka minsan po nag rreseta ang OB ng gamot para ma lessen ang pag ssuka

Đọc thêm

Hello po. Inom po kayo ng Pharex morning 1hr before breakfast para maibsan po paglilihi nyo. Yun lang nkahelp talaga sakin kasi ganun din nararamdaman ko tulad ng sa inyo. Simula nong nag Pharex ako hindi na ko suka ng suka, tulad ng 8 weeks preg ako the whole week talaga ganyan ako parang 5-7 times nasusuka. Simula non sa 1 week 1 beses nlang ak nasusuka pag nag totoothbrush 😁 14 weeks preggy here, Take care mommies. God bless us all.🙏🥰

Đọc thêm

Been there po, 1st-3rd baby may hypermesis grav ako.. 5-11 weeks grabe, feeling ko di ko na kakayanin. Kahit mga vitamins di ko na naiinom. Nagwork sakin yung mga malalamig pag sobrang di ako makakain, nagsheshake ako mga fruits para lang magkaron ng laman ang tyan. Advise din yun ni ob, pwedeng ngumuya ng yelo or mga fruit shake mommy. Lilipas din po yan, kapit lang ☺️

Đọc thêm
2y trước

hanga din naman ako na nakatatlo ka pa hahaha hindi biro ang hg

Nagsimula 4 weeks naka gamot na ako. Duphaston 3x a day, Isox 3x a day, Aspirin 1x, quatrofol. Magastos po pero para kay baby. Never ako nawalan gana kumain pero matindi po ako sikmurain. Iba iba po kase ang paglilihi talaga.

Same po, wala talaga gana kumain sobrang hirap pati tubig ayaw ng tyan 13 weeks na ako sana matapos na ang stage na to madalas din ako naiyak dahil sa hirap. Pray lang kinakapitan kasi parang wala makatulong kahit gamot 🙏

Turning 15 weeks on wed. Pero till now WALA akong morning sickness. NO cravings, NO suka suka, NO hilo, NOT antukin. Ordinary lang nararamdaman ko bukod lang sa palaging gutom. :)

2y trước

edi sana all

lagi kang magsasabi sa ob ng nararamdaman mo, minsan kasi delikado na pala di pa natin alam

Same po tayo mi. 16 weeks preggy here pero grabe pa din pagsusuka ko.

2y trước

Relate ako sayo mi