Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?

First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

2:58 am nagstart sumakit tyan ko. Kala ko natatae ako pumunta ako sa cr. Walang lumabas. Nung 3:15 sumakit na naman pinakiramdaman ko kung sinisikmura ako. Evry 15mins sumasakit. Tapos yung feeling na nasakit na yung balakang ko. Tapos natigas tyan ko. Nung 5am na tska lang ako nagsabi sa mga ksma ko sa bahay na naglalabor na ATA ako. Hahahha. Sabi ni mama nun maglakad lakad na ako tapos orasan ko yung pagsakit. Kasi pag pumunta raw agad kami sa ospital, pahihigain lng agad ako. Mas mhhrpn maglabor. 7am ako dinala sa ospital. 6cm hnggang 2pm yung 6cm na yun. Ngalay na ngalay yung balakang at legs ko. Ginawa ko nun pinilit kong iangat yung legs ko, magalaw galaw manlang. Tapos pag nasakit, may nalabas sakin. Hindi ko alm kung panubigan o tae o ihi. Wala nang hiya hiya. Sanay naman na yung mga yun. Hahahaha. Tapos bawal magpapasok ng ksma sa labor room kasi sterilized daw yung mga nandun. So ayon. 4:15pm ako nanganak. Total of 13hours labor. Hahaha.

Đọc thêm
5y trước

Iba iba raw ang kwento ng paglalabor. Kaya mo yan

Pumutok panubigan ko due to lagnat for 3 days. Pagdating nmn sa hosp @ 7am, 2cm palang ako kea nilagyan na pampahilab kc mauubusan na ako ng tubig. Kaso, kada contractions bumababa heartbeat ni baby still at 2cm kea OB decided na i-cs na ako. July 15 @12:48pm nanganak ako 🤗 Kaso, due to lagnat pa din, tumataas na pulse rate at mababang bp, nagtagal ako ng 16hrs sa recovery room. July 16, 5am ko na nakita baby ko. Thank God healthy si baby at walang nakuhang infection from me dahil sa lagnat. Nagtagal kmi ng 4days sa hosp due to lagnat pa dn na ndi malaman ang cause kea patago nalang ako uminom ng gamot sa room para ndi nila malaman na nilalagnat ako. Ok nmn ako paguwi ng bahay. Siguro nabinat lang ako kaya ako nilagnat. 3months na si lo ngaun, ung pagpasok nmn sa work ang challenging kc nasanay na akong kasama sya. Nakakamiss pero kelangan magwork para sknya 😍❤

Đọc thêm

JanuAry 7-2013 istbby 3am inatake nko skit ng ulo 7am dinala muna s albolaryo ksi nga daw oba daw nararamdaman q pro po before nun 1week po akong na admit s eastave.ksi tumaas bp.q dapat feb11 dute q .pag uwi ng bahay galing albularyo nka tulog nmn myamaya mga 10am un n nmn umataki n nmn skit ng ulo q tus pag dilat q wla na kung makita liwanag nlng as in diko na makita mga tao iyak lng ako ng iyak tus s bby tigas nmn ng tigas kya ng deside po byinan q na dalhin nko ng ospital e kya dinala ako ng mcu at pinapirma agad aswa q for cs ksi nga daw po ingclamsia na daw po ako my e 8month plng s bb nun kailangan xa ingcubit din my 4pm na cs nko awa mg dios malakas nmn s bby dina xa kailngan e lagay s ingcubitor kya bless padin grabe hirap manganak pag tamad kang mag buntis kaya ngaun n dala na 😅😅bt 23weeks pregnant super ungt na nakakatakot ung nag daan

Đọc thêm
5y trước

Woah. Grabe din ang pinag daanan mo mamsh

Ang EDD ko is around 1st week of September 2019 around 37 weeks na ako kaso napaaga ng labas si Lo expect ko lang dadalhin ng hospital para magpa admit dahil ang taas ng BP ko more than 200 hundred mahigit hindi ko na matandaan ang over so ayon nga July 29 around 11 am ako nahatid ng ambulance ng company sa public hospital sa pasig kasi medyo groggy nako non wala na akong maaninag at sumasakit ulo ko sobra, yon pala kinukumbulsyon nako tas 11:30's na undergo ako ng emergency CS due to eclampsia at pagkagising ko around madaling araw siguro ng July 30 yon tsaka nilapag anak ko na singlaki or mas malaki pa ata ang 1L na bote ng coke sabay sabi nong nurse na "CS po kayo". Pero nagpapasalamat pa rin at niligtas kami both ng anak ko without any complications sa health namin kaya blessings in disguise pa rin kumbaga.🙏

Đọc thêm

just gave birth last october 17, 2019 with 5hrs labor, labor pain is real talaga mamsh, yung primerose na nireseta sakin isa lng nainom ko haha hndi ko expected na manganganak na ako kasi super bilis ng pangyayare.. check up namin nun then ina -ie first time ko super sakit pero keri lang so 1cm na pero wala pa masyado nararamdaman kaya lakad to the max, 11pm ng gabi lumabas na mucus plug ko then around 2am nabutas na panubigan ko until makaramdam na ako na parang natatae at masakit sa balakang pero keri pa dn, habang tumatagal pasakit na ng pasakit hahaha, so kada hilab ire lang para bumaba, hndi ko nammalayan 7cm na dumating na ung ob ng 11am ayon pasok sa delivery room apat na malalakas na ire lumabas na si baby 3.3kgs super laki daw nya.. kaya mo yan mamsh pray ka lng 😊

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

super mamsh😂😂😂 hirap din kumilos 😂

feb.14 po nagdate kami ni mr.from trinoma lakad papuntang sm north then gabi na nkauwi.feb.15 around 3am akala ko umihi ako sa bed im not sure so tinry ko mag cr uli nagtaka ako kasi di tumitigil ung labas ng tubig so i texted my ob kasi sabi ni mama ko baka panubigan ko yun.then yun i was adviced to go to the hospital and it was my water..i went to labor sabi bawal daw ako tumayo at umupo kasi delikado at raptured bow na daw.imagine yung sakit na wala kang magawa kundi tumagilid tagilid lang habang humhilab then walang kain at pati pag ihi dun na lang sa bedpan. it took me 25hrs before my ob decided na i emergency cs ako kasi nagkagestational highblood ako that time and yung baby ko 8cm na pero di na sya bumaba that was feb.16 5am..my baby is worth all the pain and I thank God

Đọc thêm
5y trước

yeah.tgal pero super duper worth it

Sa first baby ko june 24 2014 ako nanganak 2:30pm. June 23 palang ng gabi nasakit na tyan ko mga 8pm tpos may lumabas na dugo saken. Nung pag ie saken 2cm plang daw kaya magdamag walang tulog dahil sa tinding sakit pag nahilab na yung tyan ko. Kinabukasan pinatawag na yung midwife na nagpaanak saken, 10am sya dumating. Hndi na siya umalis kasi sobrang sakit na ng paghilab ng tyan ko, pinaupo ako sa arenola para bumuka daw ahahha hanggang sa lumabas ang baby ko sabi ko natatae ako yun pala ulo na ni baby nakalabas pagkapa ng midwife saka ako pinasok sa kwarto at ilang ire lang labas na si baby 😂 pag labas ni baby wala na agad lahat ng sakit.. worth it ang hirap ng paglalabor. Ngayong 2nd baby ko na naghhintay nlang din ako ng labor ko. Due date ko na next week nov. 22

Đọc thêm

July 23. I cant remember the exact time, basta midnight.. solo ko ang lying in ako lang ang magla-labor. So, nakahiga na ko then tinanong ako kung marunong daw ba ko umire.. hindi kako. Basta pag nagcontraction daw, saka ako magpush. As soon as i felt the pain, nagpush na ko agad. Parang 3 to 5 seconds lang na push, tapos sabi ni doc, tama na. Nalabas na kasi yung ulo ng baby tapos smooth na paglabas ng buong katawan. Ang feeling ay parang may madulas na sausage lang na lumabas haha. Normal delivery ako at walang anesthesia so ramdam ko yung bawat stitches nung tinatahi na. Walang wala yung pain ng pagtahi sa pain ng contractions ko. Then done na. Gulat yung partner ko, ang bilis lang daw hehe.

Đọc thêm
5y trước

2.3 kg ang birth weight nya :)

9 hours of labor pero worth it. basta wag k matakot lakasan mo ang loob mo basta isipin mo kelangan mailabas mo bg maayos si baby 😊 nong naglalabor ako sobrang nilakasan ko loob ko kasi iniisip ko si baby lakad ako ng lakad tas pag sobrang sasakit ung pwerta ko kinukurot ko si LIP ko haha! tas aun nong pumutok na panubigan ko ng 9 35 lakad takbo ako sa ER sabi ko sa Doc pumutok na panubigan ko. sobrang sakit natutulala nalang ako. tas pigil hininga at bawal umire kasi lalabas si baby. 5 mins bago pa ako madala sa labor room😂 isang ere ko lang labas agad ginuntibg ako eh 😂 sobrang saya lalo na nong ipatong sa dibdib ko si damien 🧡

Đọc thêm
Thành viên VIP

At 40 weeks wala pang labor pains. 1st time mo so super clueless as to what to expect and how it would feel. Since I have gestational diabetes, nag decide na kami mag pa induce ng labor after icheck na okay si baby nung 40W 2days na ko. 4cm na din cervix ko pero wala pa din ako nararamdaman. My OB advised na mag nipple stimulation ako habang naka admit. Lalaruin mo lang yung nipple mo pero dapat nasa hospital na para monitored si baby. Ayun! Dun ko naramdaman yung hilab to the max na umiikli yung interval. Si OB na nag putok ng waterbag. 3pm ako nag pa admit 2:45 am the next day ako nanganak

Đọc thêm
5y trước

Hirap pag FTM, wala ka kasi idea ano. dapat ang nararamdaman mo e. Hehe! Kaya mo yan. Basta lagi mo lang ipag pray na healthy at normal at safe si baby, si Lord na bahala sa lahat 😊