68 Các câu trả lời
Dagdag pa kayo ng stories
More stories pa po 😘
Share papo kayoo
Ftm here.May 18 ang Duedate ko pero nanganak ako ng May13.May 11 palang nang gabe nun panay sakit na ng puson ko balakang ko,pabalik balik ako nun sa cr yung feeling na para kang nadudumi pero ndi naman hanggang sa umabot ng alas kwatro ng madaling araw May 12 mother's day na pala nun mas tumitindi ung sakit halos wala akong tulog nun palakad lakad lang ako nun sa may sala namin hindi alam ng parents ko naglalabor na pala ako. kaya ginawa ng mama ko tinext yung ob ko,agad agad naman nagreply si ob kahit madaling araw palang pinapunta agad ako sa ospital baka daw kasi naglalabor na ko.6am nakarating kami ng Manila Doctor's i IE ako agad2 kahit wala pa si Ob pang IE sakin 2cm palang,dapat papauwiin pa ko that time kasi mejo matagal tagal pa daw kasi yun. pero nag pa admit na ko agad kasi hindi kona kayang umuwe nun kasi grabe na yung sakit. Nagpakuha ako ng kwarto nun para makapg pahinga pero mayat maya nila ako IIE ang saklap pa nun kasi iba ibang nurse yung nag iIE sakin na stock ako sa 2cm nun hanggang 2pm kaya ginawa ko uminom ako ng pineapple juice tapos lakad2 lang sa kwarto hanggang sa mag 7cm na dinala na agad ako sa labor room dun ako naghintay hanggat mag 9cm. Ang hirap pa that time kasi wala yung asawa ko nasa ibang bansa kapatid ko lang kasama ko nun na mas bata pa sakin.halos 30hrs akong nag labor sa sobrang baba ng pain tolerance ko naka ilang inject sila sakin ng epidural pero walang effect sakin.Grabe pala talaga manganak feeling ko nun katapusan na ng buhay ko kasi habang umiire ako kinapos ako ng hininga sobrang hinang hina ako nawalan na ko ng malay akala ko that time ma ccs ako.naririnig ko nalng sinasabe ng ob ko na isang mahabang ire nalang lalabas na si baby kaya ginawa nung nurse ko diniinan niya yung tiyan ko para tuluyan akong magising.sa awa ng diyos nagising ako agad at naire ko ng maayos c baby sakto 3am ko pinanganak c baby,totoo pala talaga yung sinasabe nila na once makita mo na yung baby mo mawawala lahat ng sakit na naranasan mo.sobrang worth it lahat kasi healthy si baby😊
August 15 palang pina admit n ko kahit 1cm palang at hindi humihilab tyan ko. August 17 kasi due date ko. Nilagyan ako ng primrose yata yun na gamot. Siguro naka 8pcs na ganon nilagay sakin hanggang August17 ng madaling araw saka lang naging 8cm. Grabe tagal ko nag labor. After non, pinasok na ako sa DR 8am, 2hours ako sa dun pero hindi bumababa si baby as in zero station daw, pagod na pagod na ako, muntik na ko makatulog sa sobrang pagod. Kahit anong pag iri ko. Tapos nagsabi na ko na CS nalang ako kasi nag uumpisa na din daw humaba yung ulo ni baby. Tapos nung nailipat ako sa OR, almost 30mins pa bago dumating yung anesthesiologist so 30mins pa ko nawawala dun kasi sobrang sakit N ng tiyan ko hehehe. 11:45am na. Exactly 12nn nailabas ko si baby. Grabe tumulo luha ko kasi finally nakalabas na baby ko tapos na hirap naming dalawa. Nakakalungkot lang kasi nakakain na sya ng pupu, kaya madaming test ginawa sakanya hanggang sa sinabi may pneumonia sya. Na confine sya sa NICU ng 5days. Sobrang na stress din sya sa tagal ng pag lalabor ko at siguro dun sa mga gamot na nilagay sakin. Pero eto na sya ngayon 2months old. Pure breastfeed 😍 from 2.88 to 5.6 kilos :) ang saya lang talaga magkababy kahit nakakapagod pero worth it ❤️💕
20hrs labor, yung feeling na dika na makatulog then kinaumagahan wala kang gana mag almusal kasi dimo alam kung saan yung masakit! Hanggang sa nag tanghali na dipa din nalabas si baby! Sobrang sakit na, na dimo ma explain yung sakit. Yung paulit ulit muna lang sinasabi na dimo na kaya. Hanggang sa lumipas pa din ang hapon wala pa din! Ilang beses kana i-ie. Then nung bandang mag gagabi na tska panlang pumutok panubigan mo. Yung akala mo dina sasakit yung balakang, puson, likod pero hanggang akala mo lang pala yun. Maya maya humilab na tyan ko pero kada dalawang ire ko nawawala yung hilab, buti nandun ate ko sya nag push ng tyan ko then yung midwife sinasabihan ako na push. Nakakapagod kasi nawawalan ako ng hininga that time. Pero kinakaya kopa din para sa baby ko. Luckily lumabas na sya ❤😘 Para kang nabunutan ng malaking tinik nung lumabas baby mo feel me mga mamsh 💖😍 Ngayon 3weeks old na baby ko 😍
Kayo mamsh
Post pa
Add pa
3 days ako nag labor, pumutok panubigan ko nong pang 3days ko na pero 5 cm palang ako kala ko lalabas na agad baby ko pero di pa pala 5hrs pa bago siya lumabas. Grabe yung pain but it's really worth it pagkarinig ko ng iyak ng baby ko.
Raquel M. Cuizon