Baby's Heartbeat

First time marinig ni Rommel yung heartbeat ni baby. Hindi siya makapaniwala. Kaya pinaulit niya. Ganyan daw pala yung tunog. Tuwing may check-up kasi ako, palagi lang siyang nasa labas ng clinic/hospital. Dahil sa pandemic, yung mga soon-to-be tatay hindi pwede samahan yung pasyente sa loob. Kaya ayun, hindi niya na-witness yung likot ni baby, paggalaw ng kamay, at pagsipa. Edi sana sabay naming pinapanood si baby sa monitor at pinapakinggan yung heartbeat. Tuwing pagtapos ng check-up ko, kelangan ko pang i-echo sa kanya lahat ng sinabi ng OB ko. Kelangan ko pang i-drawing sa papel kung anong posisyon ni baby at kung saan siya nakaharap. Sa mga picture lang kasi ng ultrasound niya nakikita. Sabi ko pa naman sa kanya, alam mo, iba yung feeling kapag nakikita kong gumagalaw at naglilikot siya sa loob. Nakakalusaw ng puso. Pero paano ko naman ide-describe sa kanya yun di ba. Meron pa nga, nung dinala ako sa emergency room, syempre ako lang ulit yung pwede sa loob. Hindi ako mapakali nung nakahiga ako. Ganun pala pag walang kasama tapos kinakabahan ka pa. Ang tagal kasing mahanap nung heartbeat ni baby, nakailang kapa sila sa tyan at puson ko. Pero ayun nakahinga rin nang maluwag, nung narinig ko. Tapos nilipat ako ng room. May titignan daw sa akin. Binuka ako. Napaaray talaga ako. Sa sobrang sakit, napakapit ako sa assistant ng doctor at napahigpit yung hawak. Yung mga ganung moment, tapos wala si Rommel sa tabi ko, parang ang hirap. Kanina, napabili kami ng doppler dahil na-paranoid na naman ako. Para na rin hindi na kami pabalik-balik sa clinic at hospital, kasi parang araw-araw/linggo-linggo kaming nandun. Ayun, kahit papaano, nakakabawas ng pag-aalala ito. At pwede niya pang pakinggan ulit yung heartbeat ni baby. #pregnancy

Baby's Heartbeat
 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời