Pagdurugo ng sobrang dami sa tuwing dudumi
Hello first time ko po mag ask dito sa asian parent. Preggy po ako. Bale pang 4 na po ito pero ngayon ko lang naranasan yung ganitong pagdurugo ng pwetan, tingin ko meron akong internal hemorrhoids. kada poops ko mas marami pang dugong lumalabas kesa sa poops, sobrang mapula po ang dugo at may buo buo pa na parang jelatin pero hindi naman po ito poops. . Sobrang natatakot ako kasi first time lang nangyari sakin ito baka makaapekto sa baby lalo na sa panganganak ko dahil sa sobrang daming dugo ang lumalabas. 20 weeks and 5days na po ako. Btw hirap din po akong dumumi,. Normal lang po ba ito part po ba ito ng pagbubuntis? #advicepls #pleasehelp #pregnancy