CS or Normal?
First pregnancy/baby ko 'tong pinagbubuntis ko ngayon, may random people na nagtanong kung kelan daw lalabas si baby at kung pang-ilan ko na siya. So sinagot ko naman ng maayos at magalang, then sabi nya sakin ang laki daw ng tiyan ko baka daw CS ako. Is it true? Nakaka-bother talaga makarinig ng ganyan lalo pa gusto ko mag-normal lang.. 34 weeks na ako now. Bilog na bilog ang tiyan ???
sis ganyan yung sakin sa 1st baby ko. malaki tlga. knowing malnourish pa ko before ako mabuntis non.ayun nainormal ko naman, 3.1 kilos. cgro wala naman sa laki yan.baka kasi tubig lang din kaya malaki. now preggy ulit ako, malaki pa din.
Ganyan din ako. Muntik na ako macs, malaki din si baby e. Akala nga ng mga kakilala ko twins nasa tyan ko. Pero muntik lang yun.. Ayun nailabas ko si baby ng normal. Di pwedeng macs e maliban sa ayaw kong macs no money for cs hahahaha
Naku same. Share ko lang mommy na last minute dinala ako sa pinakamalapit na hospital samin kesa sa pagaanakan ko talaga. Sobrang nakakahiya din sa part ko yun kasi wala ako abiso sa ob ko. Pero okay lang kasi from 20k nsd sana, naging 500 bill. Hehehehe. At nakakatakot ma-cs, bilib din talaga ako sa mga mommy na cs e. Huhuhu. Muntik na din ako ma-cs, umikot kasi si baby bago mag-37 weeks (pasaway na bebe mana sa nanay 😅🤣). Yung cs sa ob ko aabot ng 40k depende pa kung ilang days ang stay sa hosp pwede pa lumaki yon. Hays.
Same tayo sis. Ako dati sa panganay ko sinabihan nila ako na baka macs daw ako kasi laki ng tyan ko at sobrang takaw ko pa . Medyo natakot ako nun. Pero nung nanganak ako nainormal ko naman at 3.5kg si baby nung lumabas.😊
Same po tayo matakaw hahaha. Wow! Ang laki din ni baby!! Baby ko po 3.1 nung lumabas. Pero ngayon nahihirapan siya mag-gain ng timbang, 6 mos 21 days na siya pero nasa 6.5 last timbang nya 3weeks ago. Na-confine din kasi siya for 6 days kasi halos mag-1week na siya nag-tatae bago sya i-confine 😢 mahina pa magdede sa fm niya, mix feed kasi kami. Kapag naman sakin feeling ko di sya nabubusog kasi konti nga lang milk ko hehe..
Depende naman po kung malaki si baby at di kaya ng sipit sipitin cs talaga pero ung iba kasi tubig lang halos like sa tita ko laki ng tiyn pero normal lang kasi puro tubig lang pala liit lang ng baby
Matubig ka sguro momshieee.okay nga un e :) na ccs lang pag nakita sa utz ung fetal weight kung sobrang laki ng bata o kaya ung pwesto din.CS agad jugdmental naman nag sabi sayo nun sis hahaha
Di ka naman basta basta i CS may nag nonormal naman na malaki ang babies nila kaso yung sa akin na emergency CS ako dahil bumaba heart rate ni baby di naman cya ganun kalali noon paglabas
naku wala yun sa laki ng tyan nasayo un kung kaya mong inormal pag nanganak kana.maccs ka lang kung maliit sipitsipitan mo tsaka kung overdue kna di kapa naglalabor pero wala sa laki ng tyan.
wag mo nalang pansinin😊
May oras ka pa mag diet mamsh at more walking and squatting. Dapat po kasi control din tayo sa pag kain and observe proper diet kung gusto natin hindi ma ECS. Kaya pa yan.
boy yan bilog na bilog haha wait till mag labor ka kase nung ako 87 kilos tas super laki ko pero nung lumabas puro tubig lang 3 pounds lang si babe liit liut
Hahaha opo boy po at sobrang maloko na kahit nasa tiyan palang 😂 nasa 66kg naman po ako ngayon, di ko lang alam kung ilang kg si baby ngayon.. Sana nga po puro din tubig laman. Hehe
Medyo malaki nga tiyan mo mamsh. I'm on my 37th week of pregnancy na, pero mas malaki yung tiyan mo sakin. Diet and exercise ka nalang muna mamsh.
proud mommy of 2 kids