3 Các câu trả lời

I feel you mommy. ako mag si 6 months na si baby nung nawala siya saken. di kona kase naramdaman yung pag galaw niya kaya nagpunta agad ako sa ob ko. at sinabi ng ob na wala na pala siyang heartbeat. ayun yung pinakasakit na narinig ko sa buong buhay ko.na confine ako ng 1 week at tinuturukan maya maya ng pampahilab para mailabas ko siya ng normal. inilibing siya ng wala ako dahil naka confine padin ako. naiinggit ako sa ibang nanay na hawak yung bagong silang nila na sanggol. sila nanganak na at makakasama nila yung baby nila. ako nanganak lang. nanlugmok kame nun at di ko na alam.kung saan pa tutungo yung buhay ko. dahil yung pangarap ko ay nawala na saken. araw araw ako umiiyak. iniisip ko tuloy bakit sa dinami dami bat sakin pa nangyari. ilang months din ako nadipressed. wala ng gana sa buhay nagaaway nadin kame ng mister ko dahil di na niya ako maintindihan sa twing inaaway ko siya kapag nadidipressed ako. gusto ko mapagisa pero wala ako mapuntahan. pero nakaya ko. at nakabangon muli. unti unti ko ng natanggap na wala na saken yung baby ko. naglibang ako kasama mga kaibigan ko at nagtrabaho ulit . at kasalukuyan. buntis po ulit ako ngayon. hindi ako pinabayaan ng diyos . ibinalik niya saken ang anak ko.. 😊 sana po magtuloy tuloy na ang pagbubuntis ko. lahat ng nangyayare saten ay may magandang kapalit. may plano para satin si God mamsh. di niya tayo pababayaan. kaya saten binibigay ang problema nato dahil alam niyang kaya naten at tayo lang ang may kakayahan na makalagpas nito. ibabalik din sayo mamsh yung baby mo sa tamang timing ni God. magtiwala kalang sa kanya. ☝️

Same feeling and same experience momshie. Wala pa one month yung nangyare sakin. Araw araw ko namimiss ang anak ko. Hindi ko man lang nayakap at nahalikan.

same here ang mahirap pa pinangamak ko at nabuhay pa 1day and 11hours

VIP Member

Sorry for your loss momshie.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan