Finally Nakaraos Din

Hi finally makakapag share na ako about sa experience ko sa panganganak ko kahapon yes I gave birth to baby Maki October 16,2019. October 15,2019 follow-up check up ko sa ob ko na IE ako pero 1cm plng na lungkot ako kasi sabi ko matagal pa un kasi 1 cm plang. So umuwi kami ng bahay tapos kinagabihan kakaiba na nararamdaman ko sabi ko pa nga sa mister ko baka manganganak na ako bukas kasi parang may sumisiksik na sa pwerta ko. pero binibiro ko lng mister ko kasi wala nman talaga akong idea sa feeling ng pag lelabor. tapos natulog na ako ng mga 9 pm kasi advice sakin ng ob wag mag papapagod kasi tumaas yung BP ko pero mga 11:54 pm nagising ako di na ako nakatulog tapos mga 2 am may iba na akong nararamdaman pero wala lng kasi yung mga false contraction ko parang ganun din feeling. Mga 2:50am may naramdaman na nman ako pero that time sabi ko iba na yun napabangon ako kasi ang sakit natatae na masakit balakang na masakit puson. Nagising ko asawa ko sabi ko nag lelabor na ata ako. After nun humiga ulit inantay yung next kaso mga 3:10 wala pa sabi ko sa asawa ko tulog sya ulit baka wala lng un pero mga 3:15am nag start na nman sabi ko Hala eto na to sabi ng asawa ko baka napopoop ka lng so pag tapos ng contraction ko nag poop naman ako.sabi ko baka nga natatae lng ako pero after ko mag cr sumakit ulit kaya sabi ko iba na nga to naeexcite pa ako ang saya ko sabi ko sa mister ko mga 6am punta kami ng hospital para mag pa IE pero nung 4am na tumitindi na ung sakit kaya sabi ko mga 5 alis na tayo masakit na mga 4:30am umalis kami kasi nga masakit na dumating kami ng hospital ER 6:00am then dami tinatanong, and mga 6:30 I. E Ako 4cm na daw kaya I admit na ako mga 7am inakyat na ako sa labor room mga 10am ie ulit 7 cm na daw mga 11am 8 cm na mga 12pm nilipat na ako sa delivery room tapos pinutok panubigan ko then nag 9 cm na inantay pa si doc nun sobrang sakit na ng labor ko nag mamakaawa na ako na ilabas na kasi sobrang sakit na sakit na ako. Siguro mga 12:30 nag 10 cm na dumating na si doc pinapush na skin kaso mataas si baby plus may buto daw sa pwerta ko na humaharang sa labasan ni baby so ginawa ni doc pinatagilid ako at pinapush sakin para daw bumaba. Naiiyak na talaga ako nun grabe sakit na dasal na ako ng dasal nun na bumaba na si baby mga mag 1 pm pinapush ulit ako ng naka tihaya grabe na ire ko nun yung 10 count sakin ginagawa ko kahit tapos na pinupush ko parin kasi sakit na talaga gusto ko na ilabas. Nung nakikita na di ko na kaya ayun pinatulungan na ako sa isa pang doc dinaganan yung tyan ko habang nag pupush imagine mo yun nakaya ko na mag pigil ng hininga habang nag pupush tapos may nakadagan pa sakin and 1:17 pm na ilabas ko na baby ko 3.125kg Via NSD thanks God, sa mga doc. And nurses na hindi sumuko kahit umaayaw na ako di sila nag bigay ng option na ics nalang lagi lng nila sinasabi kaya mo yan chinicheer up nila akong lahat. After ng pag hihirap from pregnancy hangang sa pag lalabor at sa panganganak pag nakita mo yung anak mo makakalimutan mo lahat ng pag hihirap. Salamat din sa mga mamshies dto at sa app na ito dahil andami kong natutunan

151 Các câu trả lời

Congrats momshie. I'm happy for you. Ang cute ni baby 🤗🤗 excited na din ako mailabas si baby ko, I hope via normal delivery din ako

Kayang kaya mo yan mamsh naniniwala ako na malakas talaga pain tolerance natin 😊❤️😍 yung di mo na imagine sa buong buhay mo na pain mararamdaman mo yet, pag nakita mo na safe si baby puro pasasalamat nlng yung lalabas sa bibig mo, at di mo na iisipin yung mga pinag daanan mong pain.

Ramdam kita mommy naiimagine ko pa till now yung panganganak ko noong tuesday atleast nakaraos na tayo team october!!! =)

Ako panay sabi ko ng wait lang po kc gusto nila sunod sunod na 10 counts and uo hirap ng may nakadagan mas mahirap lalo huminga.

hahaha.naiyak tuloy ako s kwento mo.. ako nga rin parang natatakot na naeexcite.. congrats pala sis.. Godbless both of u

Salamat mamsh kering keri mo yan mamsh. Lalo pag nakita mo baby mo 😍😍

Congratz..same din sakin dinaganan din ako ng mga nurses at pedia ni lo para mailabas ko xa..

True momsh congratz to us

Hehehe great job mommy!sana ako din po makaraos ng maayos 38 weeks and 2 days n po ako

Congrats po and God Bless hindi talaga basta basta hirap ng isang ina.

VIP Member

Congrats momsh! Nakakatuwa si baby nakatitig sa camera cute cute 😍💕

Kaya ayaw ko mag normal. De bale na. I'd go for painless or CS

Congrats mammie 😊 ako din excited na Makita first baby ko

I love your story telling po hehe. Congratulations 🙂

Nakakaexcite kasi mag kwento dto. Salamat mamsh

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan