FINALLY GAVE BIRTH TO MY BEAUTIFUL DAUGHTER!

Finally! 40w2d no signs of labor talaga. Only regular braxton hicks for 3 days straight so every other day i go to my OB para ipacheck if nagdilate ako. I was so worried kasi baka magpoop siya and makain nya, baka makacord coil sya… But thank God she’s so healthy! Super good baby na nya hindi nya ko inistress. I was scheduled for induction yesterday kasi worried na talaga ko sa chances of meconium. My OB asked if I wanted to get induced on either Thursday or Friday… sabi ko Friday para makapagwalk ako ng bongga ng Thursday. Baka sakaling maglabor ako on my own. So my hubby and I went to Mega nagdate kami and we walked from 3pm-9pm. The next morning at 6am sumasakit yung puson ko but it wasn’t that painful, also hindi sa regular. parang once lang sumakit in 30mins-1hour. We got to the hospital at 9pm. and my puson started contracting regularly mga 4-5 mins apart and lasts for a minute. When I got checked at 1030am I was already 3cm. 2pm nag 4cm ako and the pain was super bearable like hindi talaga sya masakit, kayang kaya. My ob induced me and contractions were getting more intense and more frequent after. 5cm ako after an hour. And I was stuck in 5cm for the next 5 hours. So my OB said it’s best if I got a c-section. I got my anesthesia at around 8:30 and gave birth to a beautiful baby girl at around 9pm. Sobrang happy ko grabe. Sobrang takot ako sa labor and delivery before pero after this sobrang worth it lahat. So sa mga soon to be mama’s wag kayo matakot. totoo na pag nakita nyo baby nyo wala na kayong ibang iisipin kung hindi sila kung okay lang sila. I didn’t mind that my tummy was open and I was so sedated super pinipilit ko idilat mata ko para lang tignan if okay lang baby ko. Kayang kaya nyo yan!

127 Các câu trả lời

40 weeks and 2 days din po ako, overdue and nakapoop napo si baby sa loob buti na lang di nya nakain :) induced din po ako kasi no sign of labor talaga 1 week na kong 2cm. so After I got induced, 8 hrs labor nung naturukan na ko... napakahirap at sakit parang gusto mo na lang mamatay sa sakit, tapos nakailang turok pa ng pampahilab sakin at ilang dagan ng midwife At OB ko ang ginawa para lumabas na si baby. lumabas si baby ng healty and 3.8 kg baby girl sya :)

hi momshie ask kolang ako po kase 38weeks pregnant napo , saket po ng saket puson ko mag 3days napo and pwerta kopo parang bumubuka buka posiya na masaket .. kakacheck up kolang po last 3days ago sabi naman po ng OB ko close papo yung cervix ko .. d po kaya gaya po sa inyo hindi po ako nag lalabor ? sana po masagot niyo salamat po :)

Pero dpt my cm na sis siguro close cervic ka pa nga sis.

Congrats. Ako din takot sa labor kasi dami ko nababasa at napapanood super sakit daw talaga kaya it gives me hope pag nakakabasa ako ng ganito na no signs of labor 😂😂 sana ganyan din ako.

Congrats po sana manganak na din ako kc dec 26 duedate ko na 40 weeks na ako nun pero thanks god kc di pa nakakapoop sa tummy ko si baby.. Sana normal delivery ako.. Takot ako ma CS eh..

Congrats mamsh. 40 weeks and 5 days, inconsistent pa rin yong sakit. Magchika pa kami ni baby kung kelan sya lalabas.heheh💞💞🙏🙏

Haha sis ako din ang sarap matulog pro pinipilit kong idilat mga mata ko pro nangininginig ako talaga dahil sa anesthesia

Baka same situation tayo sis Im 39 weeks and 5 days now pero no pain pa din kahapon galing ako sa ob 2-3cm na daw po ako.

Ah manganganak kana yan sis goodluck sis.. 💕

Mommy congrats! Ang ganda mo, CS din ako pero yung face ko sa picture mukha kong naglabor ng 1 week 😅

VIP Member

Ang galing may picture kau right after na mailabas sya. 💗💗 super cute. 💗🍼 congrats

VIP Member

congratulations 🥳🥳🥳 kakainggit ka naman.. gising ka nangCS ka. ako pinatulog... 😅

Câu hỏi phổ biến