Meet My SONshine ☺️

Finaaaally! Masheshare ko na din experience ko ☺️ Meet my SONshine ☺️ Adriel Ryle ? Via Normal Delivery Birthdate: September 28, 2019 ? EDD: October 11, 2019 Excited si baby lumabas hehe I'm 38 weeks pregnant nung nilabas ko sya. Hindi ko inexpect din na lalabas na sya last week kasi in-IE ako ng Tuesday(Sept 24) closed cervix pa and my OB said na hindi pa ko manganganak that week. Pero iba feeling ko. Ramdam ko malapit na lumabas si baby ko talaga. Tapos sumakit pempem ko Thursday night. Hanggang Friday morning di pa din nawawala ung sakit. Tapos lumabas na mucus plug ko nung Friday morning. Ayun derederecho na ung pain. Nagpacheck up ako ng 1:30pm. 2cm na ko. Yung pain di pa din nawawala. So naglakad lakad ako. Lakad ng lakad. Then 9pm ang sakit pdn. Bumalik ako ng lying in. 4cm na. Tapos nagpaadmit na ko. Hindi na nawala un pain nun. Lumala pa. 11pm 7cm na ko. Tapos 11:30pm dumating OB ko. 8cm na. Tapos dinala na ko sa delivery room. Saturday 1am lumabas na si baby ??☺️ Thanks God talaga for safe delivery and nakaraos via normal delivery. Napakahirap pala talaga mag labor at manganak. By the way, FTM here pala ☺️ Habang naglalabor ako. Ulit ako ng ulit na ganito pala pakiramdam ng naglalabor. Napakasakit pala talaga. Lalo manganak. Pero worth it lahat ng pain paglabas ni baby. Mawawala un sakit pag rinig mo ng iyak ni baby at pagpatong nya sa dibdib mo. Sobrang the best talaga sa pakiramdam ? For all mommies out there, I salute you all and para sa mga magiginh mommy palang, goodluck and kaya niyo yan ☺️

203 Các câu trả lời

VIP Member

Woww congrats mammy naka raos kana rin. Sana mairaos ko rin tong akin ng normal at safe kami 😊

Pray lang momsh ☺️ kaya mo yan. Goodluck and Godbless ☺️

Congrats! sana ako din kaso closed cervix pa pero feeling ko mahuhulog na pempem ko anytime 😅

Pray lang momsh ☺️ maglakad ka lang po everyday and squat. Ganyan din kasi ako nun. Yung feeling na alam kong lalabas na sya anytime kahit closed cervix pa hehe.

Anong ginawa mo sis from closed cervix ka hanggang sa nilabasan ka nalang ng mucus plug bigla?

Lakad lakad lang momsh. Napasok pa din kasi ako sa office tapos squat ako everyday. Morning and night. Tapos ayun sumakit bigla pempem ko saka puson. Akala ko wala lang ulit ung ganung pain kasi nasa isip ko closed cervix pa ko. Tapos nagulat ako pag wiwi ko. May mucus plug na pala na lumabas sakin ☺️

Sana Next Naku 😇 Due Date Ko na po Bukas and Im So Excited To Meet My Baby 😍💞

Congrats mommy.. buti kpa nakaraos ako matagal tagal pa.. inip na nga ako.. hehe

Congrats po. October 4 due ko pero false labor lagi. Sana lumabas na din baby ko.

Pray lang momsh ☺️ lakad lakad and squat ka everyday momsh. Inom ka din fresh buko everyday.

VIP Member

So proud of you momsh! sana normal delivery lang din ako. Congrats and Godbless 😊

Pray lang momsh ☺️

Inspiring experience 😊😊. Cute po ng baby niyo momsh. Congrats 😊😊

Thank you mga mommies 😍☺️😇😘💕 God bless you all 😇

hi mami nabanggit nyo po na lying in kayo. nagamit mo ba philhealth mo?

Yes momsh ☺️ Philhealth accredited ksi yu ng lying in na pinanganakan ko.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan