Hello, fellow momshies. Gusto ko sana malaman kung sino satin ung nabuntis kaya nagpakasal?
Mhal ko nmn asawa ko even before kami magpakasal. Mahal n mahal ko sya. Ung tipong ngkamali na nga sya ng isang beses pero bigtime, pinatawad ko sya. Tumagal pa kami bago ako nabuntis. Nung una talagang ayaw ng parents ko magpakasal kami. Kasi new gen narin naman daw. Okay lang kung di kami magpakasal kasi baka maling magpakasal kami and if ever, samin lang din talaga si baby. Pero buhay pa kasi lola ko who is of course, old school. Kelangan magpakasal kami. At sa pamilya namin, gusto nya sya lagi masunod. Sya lang pakikinggan. Besides, gusto rin ng parents nya para di daw illigitimate ung anak ko. So nagpakasal kami. Kaso tumatagal kami na parang di na ako sigurado. di ko alam kung mahal ko pa sya o natatakot lang akong mawala sya sakin. pag may feeling kasi ako na nambababae sya,natatakot ako baka agawin sya sakin. pag sobrang lambing nya naman as in clingy to the point minsan nandidiri ako,naiinis ako. parang sobra kasi. tapos nito lang buwan madalas syang magyaya, ayoko kasi feeling ko lagi akong pagod. sa gawaing bahay tsaka kay baby. di ko alam kung ano nararamdaman nya kung tumatanggi ako kasi never ko pa syang pinagbigyan nitong buwan. actually after kong manganak, parang tatlong beses palang ulit kami naglabing labing. 3mos na ung baby namin. tapos ung una pa dun, napilitan lang ako.
patulong naman po. pakiramdam ko mahal ko pa din sya pero di ko maintindihan nararamdaman ko talaga. pag wala, hinahanap. pag nanjan, tinataboy.