ano po gender nang bb niyo momsh?..iba2 kc normal na timbang nang bb boy and girl
🤯NORMAL OR NOT SERIES👹
Normal na Timbang ng Baby Boys Base sa Edad
warning: Ito ay general na gabay lang. Sa clinic, isasaalang alang din ang timbang noong pinanganak (birth weight), haba ng pasyente, feeding, dating timbang, etc para masabi kung normal o hindi ang timbang ng babies. When in doubt, always consult a doctor (clinic or online).
usual na timbang in kilos:
0 - around 3.3 hindi dapat mas mababa sa 2.5
1 month - 4.5 hindi dapat mas mababa sa 3.4
2 months - 5.6 hindi dapat mas mababa sa 4.3
3 months - 6.4 hindi dapat mas mababa sa 5
4 months - 7 hindi dapat mas mababa sa 5.6
5 months - 7.5 hindi dapat mas mababa sa 6
6 months - 7.9 hindi dapat mas mababa sa 6.4
7 months - 8.3 hindi dapat mas mababa sa 6.7
8 months - 8.6 hindi dapat mas mababa sa 6.9
9 months - 8.9 hindi dapat mas mababa sa 7.1
10 months - 9.2 hindi dapat mas mababa sa 7.4
11 months - 9.4 hindi dapat mas mababa sa 7.6
12 months - 9.6 hindi dapat mas mababa sa 7.7
🤔Paano kung mataas sa usual na timbang?
👨⚕️Hindi masyadong accurate ang edad para masabi kung mataba ang bata (weight for age). Mas accurate kung macocompare ang timbang sa haba ng pasyente.
🤔Paano kung mababa sa nakasulat na "hindi dapat mas mababa sa____" na timbang?
👨⚕️Consult a doctor para macheck up kung may problema ang bata o kung mali ang pagpapakain. Bago po idahilan ang "don't compare" siyempre tiyakin munang talagang walang problema.
🤔Paano kung bumagal ang pagdagdag ng timbang ng baby?
👨⚕️Kung titingnan niyo nang maigi ang numbers, talagang mas maliit ang dagdag na timbang sa huli kaysa sa mga naunang buwan. Kailangan po ng regular check up with a normal dahil dinadrawing namin iyan during well child check ups. Kapag nagiging flat masyado ang curve sa drawing namin, then hindi normal.
disclaimer: for educational purposes only
not meant for self-diagnosis
To read other parts of the Normal or Not series: https://www.facebook.com/doczane/photos/a.339454020090213/533508167351463/?type=3&theater
Like my page for more tips: KidZ Health by Doc Zane
Reference: World Health Organization
Ice Cenia