Ikaw ang Nanay at ikaw pa din ang magulang ng bata. Kawawa naman ang bata kung magkakasakit dahil sa pinipilit agad dun sa hindi pa pwede. Sabihin natin na sila ang may pera kaya kung magkasakit makakatulong cla pro yung makita mo yung bata na nasa Ospital daming turok, nahihirapan, kaya ba nila? Kaya mo ba? Diba gusto mo na lang kuhanin yung sakit pra hindi nya maramdaman kasi nga nakakaawa ang mga bata magkasakit dahil wala pa silang muwang at hindi pa ganun kalakas ang mga immune system nila nagbi-build pa lang. Kaya hinay hinay muna sa mga hindi pa pwede sa bata, darating din naman sya sa stage na kakain sya ng mga may lasa na pero sa ngayon hindi pa pwede. Paintindi mo yan sa kanila. Naging magulang din naman cla
Siguro sis this is how they took care of you nung baby pa. Kaya ganun din sila sa apo nila and mahirap na kasi baguhin yung pamamaraan nila kung hindi mo rin iiinsist yung gusto mo para sa baby mo. Talk to them nalang nicely, or ask your pedia sa mga food na binibigay nila or mga pwede lang ibigay kay baby mas ok kung kasama sila para alam din nila, or text nalang si pedia ni baby and ask kung ano lang food na pwede at ask din kung ok kay baby yjng pinapakain ng parents mo para then pakita ko nalang sakanila. It's best talaga kung fruits and veggies puree muna, no salt and sugar or any seasoning you can add milk din.
Excited ang mga lolo at lola!!! Syempre ayaw din nila nung feeling na nasisita mu... Pero for me kapag para sa anak mu, dapat gawin mu kung anong tingin mong makakabuti, like feeding veggies and fruits. Although wala namang masama sa kung anong ulam natin yun din ang sa kanila, una hindi magiging pihikan at pangalawa dun mu din makikita kung may allergy ba sya sa pagkain, lalo na kung konti konti lang naman. Siguro din naman iiwasan nila yung mabubuto at malalansa na mismong maipakain sa baby 😉
Iwas muna sa mga may salt and sugar mamsh mas lalo na sa mga artificial flavoring. Tsaka wag muna i-expose sa masyadong malalasang pagkain si baby kasi baka maging picky-eater sya. More on puree lang or mashed with your breastmilk, super healthy na po nun for your baby. No to cerelac din mamsh, considered as junk yan tsaka super tamis. Sana mahabol mo pa na di pa sya mapili sa food once na ikaw na magpi-prepare ng menu of the day nya. 🤙♥️
No to salt and sugar muna momsh. Okay lang na hindi puree ang kainin ni lo mo. Kausapin mo na lang ang tatay mo ba wag pakainin ng may salt or sugar si baby. Pag nagluluto momsh ihiwalay mo na agad yung food ni baby. Pwede din mag prepare ka nung puree mo and sabihin mo sa tatay mo na yun ang ipakain for their bonding time. Matutuwa din yun pag nakita niya na puro veggies at prepared na ang food ni lo. 😊
Dapat talaga mommy mga fruit and viggie kay baby kasi yung table food sa malalaki bawal sa baby kasi may mga asin at iba pa na hinahahalo na bawal na bawal kay baby. Nag aadjust pa yung digestive system nila kasi from liquid to solid. E observe mu lang si baby mommy. Ang hirap nang sitwasyon nyu mommy. Pero dapat mu sabihan ang parents mo kung ano ang dapat gawin kay baby dahil ikaw ang mommy.
Sobrang hirap momsh. Parents ko kasi. Si mama medyo nakikinig minsan. Pero si papa hindi e. Talagang pinaninindigan nya ang pagiging ama nya kahit sa anak ko. Di nga to alam ng hubby ko kasi dinner time din ung shift nya.
Obserbahan mo lang anak mo.. mahina pa kc digestion nya. Dapat talaga fruits at gulay.. if constipated ang baby mo, kausapin mo sila.. Nanay ka nyan, most of the time you should be the one to decide wheather it's for his/her good..Trust your instinct.. Talk to them nicely and with respect, like what you said sumama loob nila nung nabuntis..
Maalat ung nakakain ng baby mo. Pano pag may mga knorr, vetsin, asin, toyo.. Pag ako pinapakialamanan sinasabi ko agad sa asawa ko. Na sabihan na d pwde yun. Fruits at gulay lang. D pa matured ang tyan ng anak naten. Kailanagn ng proper nutrition. Nakakaloka. Ma stress din ako pag ganyan kakulit mga lolo lola tita
Ok lang naman ang ginagawa ng parents mo na pakainin siya ng table food ang kaso bawal pa sa baby ang salt/sugar. Ang gawin mo nalang pag nagluluto kuha ka muna para kay baby saka lagyan ng pampalasa. Tapos mag research ka kung bakit bawal muna ang sugar/salt sa baby at isend mo sa kanila ng maintindihan nila.
Check nyo ang BLW. Hindi naman kasi kailangan puree lang ang ipakain kay baby. Binalak ko din bumili ng baby bullet buti nalang hindi ko tinuloy. Hindi rin naman kasi masyadong gamit. Ordinary blender ok na. At ng almost 8 months na siya BLW na kami. Magtabi ka lang ng para kay baby sa luto nyo. 17 months na baby ko ngayon at ang galing kumain except pag may sakit (which is rare lang).
Hmmm yun lng po prob sa mga nakakatanda sa atin, mahirap kontrahin. Sa pagkakaalam ko di pa pwede kay baby yung di sinasabawang kanin kasi baka may halo ba panpalasa like asin, artificial flavoring. Sa age ni baby di pa kasi yun appropriate.
Kaya nga momsh. Nakakatakot. Nag aalangan din ako magsabi. Pero ill try. Thanks momsh.
Janaya de Vera